^

PSN Showbiz

Sid nakakalimutan na ng GMA 7

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Nasaan na ba si Sid Lucero? Bakit yata nakakaligtaan siya ng GMA 7, eh ang galing-galing naman niya. Totoo ba na sa 2013 pa siya magkakaroon muli ng serye?

Aljur at Kris sinisisi sa maiksing Coffee Prince?

Marami ring fans nina Aljur Abrenica at Kris Bernal ang nagtataka kung bakit bigla-bigla raw na magtatapos ang Coffee Prince. At the same time, marami rin ang nagsasabi na hindi naman naging maganda ang pagsasa-Pinoy ng matagumpay na Koreanovela.

Sinadya raw ba ito ng istasyon? Hoping ang fans na hindi sina Aljur at Kris and dahilan ng pagiging maikli ng serye. Pero hayaan n’yo at aalamin ko. Will tell you next time. O baka naman ’yun talaga ang normal na takbo ng serye?

Mga artistang nawawala sa eksena biglang nagsulputan sa Cielo…

Maganda naman ’yung pagkakasali nina Isabel Granada at Gerald Madrid sa Cielo de Angelina. At least, mga bagong mukha sila sa serye na karamihan sa mga lumalabas ay ’yun at ’yun ding mga dating mukha.

Matagal na ring absent ang dalawa sa telebisyon at pelikula. Sayang naman dahil magagaling silang artista.

Aba, nakita ko rin pala sina Rina Reyes at Sharmaine Santiago sa Cielo de Angelina. Sino pa kayang iba at mga nagbabalik na artista ang makikita ko?

Sharon bumabawi sa mga bagong tinu-tweet

Maganda na ang latest tweets ni Sharon Cuneta. Pagsisisi ba ito sa ginawa niyang pagpatol sa bashers niya? Ngayon malalaman na niya na talagang hindi niya dapat patulan ang bashers niya dahil matatalo siya.

Wala kasing mawawala sa kanila pero sa kanya malaki.

BB matagal nang buking ng kambal nina Mina at Zoren

Alam naman ng kambal nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel na si BB Gandanghari ang unang naging asawa ng madir nila. Ang hindi pa maabot marahil ng kanilang kaisipan ay kung bakit ito “babae” na ngayon. Hindi akalain ng mga magulang ng kambal na hindi sila mahihirapan na ipagtapat sa kambal ang tungkol kay BB (dating Rustom Padilla).

Nagpapasalamat na lamang sila na matalino ang dalawa at madaling naintindihan ang lahat.

vuukle comment

ALJUR

ALJUR ABRENICA

CARMINA VILLARROEL

CIELO

COFFEE PRINCE

GERALD MADRID

ISABEL GRANADA

KRIS BERNAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with