^

PSN Showbiz

Pero ayaw mag react sa inamin ng actress Jolo makakabangga ang kuya ng ex-husband ni Jodi!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - The Philippine Star

PIK: Kasabay nang pagdiriwang ng piestang Our Lady of Remedies of Malate sa November, magkakaroon ng Binibining Malate 2012 at pipili sila ng tatlong winners. Bukod sa major title, pipili rin ng Binibining Malate-Kalikasan at Binibining Malate-Turismo na gaganapin sa Remedios Circle sa November 17.

Bukas ay ipapakilala na ang dalawampung naggagandahang binibining taga-Malate na siyang maglalaban para sa titulong ’yun.

Gaganapin ang launching nito sa Rajah Sulayman sa tapat ng Malate Church na kung saan rarampa silang naka-festival costume. Kakantahan sila ng Protégé finalist na si Vien Allen King at ang Salvabros.

PAK: Kahapon lang nagsimulang mag-taping ang bagong afternoon drama ng GMA 7 na Magdalena na pinagbibidahan ni Bela Padilla.

Totoo kayang hindi puwedeng dumalaw doon ang napabalitang boyfriend nitong si Neil Arce? Maraming mga daring scenes ang kailangang kunan, kaya mabuting wala raw doon si Neil para hindi ma-distract si Bela.

In fairness naman sa non showbiz boyfriend, kahit nung sila pa ni Maxene Magalona ay hindi naman ito nakakaabala sa trabaho ng aktres dahil hindi naman ito nakikialam. Saka wala pa naman inaamin sina Bela at Neil. 

Kaya lang, baka magselos ito dahil sa rami ng mga leading men ni Bela na kinabibilangan nina Dion Ignacio, Vivo Ouano, Prince Stefan, at Pancho Magno.

BOOM: Tumatanggi pa ring magpa-interview si Jolo Revilla kapag tungkol sa kanila ni Jodi Sta. Maria ang itatanong. 

Pagkatapos sabihin ni Jodi na espesyal sa kanya si Jolo, pinutakti na ng tawag ang young actor para hingan ito ng reaksiyon pero ngiti lang ang sagot nito.

Abala naman si Jolo ngayon sa kanyang pagtakbo bilang vice governor ng Cavite dahil malapit na itong mag-file ng kanyang candidacy. 

Ang latest na nabalitaan pa namin, makakalaban ni Jolo sa posisyong iyon ay si Jay Lacson, ang nakatatandang kapatid ni Pampy Lacson na dating asawa naman ni Jodi.

vuukle comment

BELA PADILLA

BINIBINING MALATE

BINIBINING MALATE-KALIKASAN

BINIBINING MALATE-TURISMO

DION IGNACIO

JAY LACSON

JODI

JODI STA

JOLO

JOLO REVILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with