^

PSN Showbiz

Paano si Sen. Chiz? Heart masaya kahit mag-isa lang

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - The Philippine Star

Sabi ni Heart Evangelista sa presscon ng Book Three ng Luna Blanca, kahit siya ang gaganap na Luna at paiitimin, tatanggapin pa rin niya dahil gusto niya ang soap at pinapanood niya ‘pag may time siya.

Nang makausap ng press, ilang araw pa lang nagti-taping si Heart pero tila alam na ang buong story ng Book Three dahil nabanggit ang mga twist na mangyayari sa kanilang karakter. Tiniyak nitong mas madrama ang huling libro ng Luna Blanca.

Teka, ano kaya ang masasabi ni Sen. Chiz Escudero at guys na nagpapantasya kay Heart sa sinabi nitong “I’m really happy with myself. Kahit mag-isa lang akong kumain, happy ako. I can read books,” sabi ng aktres.

Ang binabasa niya ngayon ay Perfect Stran­gers at on hold muna ang Fifty Shades of Grey trilogy. Who is the perfect Christian Grey for her?

“Ryan Gosling of course! He’s the perfect Christian Grey for me,” sagot ni Heart na kinikilig pa.

Anyway, sa mga interview kay Heart, nabanggit na gagawa siya ng pelikula sa Viva Films, kung saan may kontrata siya, pero ang latest mukhang sa GMA Films muling gagawa ng pelikula si Heart. Nabalitaan naming kasama na siya sa cast ng December filmfest entry ng GMA Films na Co?o Problem kapalit ni Isabelle Daza.

Hindi nabanggit sa amin kung bakit nagbago ang isip ni Isabelle at ayaw ng gawin ang pelikula. Ang takot pa rin kaya sa pag-arte ang iniiwasan ng dalaga? Mas gusto nitong mag-host at kung aarte man, ayaw ng drama.

Aktres at kontrobersiyal na singer-actor

nagkakalapit uli

Bakit may tsikang magkakaroon ng part two ang love story ng magaling na aktres (MA) at controversial singer-actor (CSA)? Lalo pang umingay ang bulung-bulungan dahil twice nang nakita si MA sa workplace ni CSA.

Puwedeng i-alibi ni MA na ang kaibigang kasama sa show ni CSA ang kanyang dinadalaw pero hindi mapigilang mag-isip ng iba nang nakakakita ‘pag dumarating si MA sa set ng show na involved si CSA.

Ang nakakaloka, may mga natutuwa sakaling magkabalikan sina MA at CSA at ituloy ang naudlot nilang relasyon. Kaya lang may karelasyon pa si MA habang wala namang problema si CSA dahil single ito sa ngayon.

Derrick, pelikula na lang

ang kulang

Naurong sa Sept. 17, ang storycon ng Mariposa na dapat kahapon ginawa dahil nagti-taping pa sina Barbie Forteza at Derrick Monasterio ng Luna Blanca. Silang dalawa rin ang bida sa Mariposa na sabi ipapalit sa Together Forever at ididirehe ni Mark Reyes.

Ibig sabihin, nag-click ang tambalan nina Barbie at Derrick sa Luna Blanca kaya sila uli ang pinagtambal sa Mariposa. Ilo-launch dito ang tambalan nina Miguel Tan Felix na galing sa StarStruck Kids at ang baguhang si Bianca Umali. Kasama rin sa cast si Maritoni Fernandez at isa pang magaling na aktres na saka na namin papangalanan.

Tuloy na ang build up kay Derrick dahil siya rin ang bida sa remake ng T.G.I.S. at matutuloy na rin ang album niya sa Dyna Records after one year of waiting. Pelikula na lang ang kulang kay Derrick.

Indie film ni Cesar binili

na ng Star Cinema

Malaki ang tiwala ni Cesar Montano kay RD Alba, direktor niya sa Biktima dahil kahit bata pa at first full-length ang nasabing pelikula na showing sa Sept. 19, maganda ang trabaho. Nagustuhan din ng Star Cinema boss na si Malou Santos ang pelikula at binili ang pelikula at sila na ang magdi-distribute.

Sabi ni RD, mala-Basic Instinct ang kanyang pelikula at sa tanong namin kung bakit red ang letter “A” sa title ng movie at white ang ibang letters, blood daw ang ibig sabihin noon. Afraid!

Alam nating lahat na nagdidirek na si Cesar, pero sa Biktima, hindi siya nakialam. Sabi nito: “I trusted everything to RD at ’di ako nagkamali dahil nakita kung paano siya magtrabaho at mag-anggulo. Mahusay at mabilis. I’m excited for this movie and I’m excited for our next film.”

vuukle comment

BARBIE FORTEZA

BOOK THREE

CHRISTIAN GREY

DAHIL

LUNA BLANCA

PELIKULA

SABI

SIYA

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with