^

PSN Showbiz

Tawag pansin na magandang aktres parating may bitbit na bodyguards

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - The Philippine Star

Nagtatanong ang press kung may banta sa buhay ng isang magandang aktres dahil may bodyguards sa mga lakad niya lately. Tawag-pansin ang mga bodyguard ng aktres dahil naka-Barong Tagalog at binabantayan ang bawat kilos nito. Parang wala namang kaaway ang aktres para kailanganin ng bodyguards.

The last time na nakitang may body­guards ang aktres ay nang lumipat siya ng network, again, walang maisip na rason ang press para kailanganin niya noon dahil safe sa place kung saan siya ipina-interview at maraming security guards.

Hindi naman siguro para sa ex niya ang bodyguards dahil up to now, walang sinasabi against her ang lalake kahit marami ang nagtatanong. Hindi naman siguro para sa makukulit na reporters ang bodyguards ‘no!

Bianca crush si heart!

Hindi kaya ika-offend ni Heart Evangelista ang pahayag ni Bianca King na hindi siya makapaniwalang makakasama ang una sa Book Three ng Luna Blanca dahil dati, pinapanood lang niya si Heart? Kung bibigyan ng malice ang pahayag ni Bianca, puwedeng sabihing pinapalabas niyang older sa kanya si Heart.

Bumawi naman si Bianca sa pagsasabing overwhelmed siyang makasama si Heart na magaling na artista, maganda and every inch ay moviestar.

“Artista talaga siya, ako rough of the edges at feeling ko ‘di ako artista. Kaya big deal sa akin to share equal billing with her. It is such an honor to work with her, I

look up to her. Ang galing mag-ayos at laging presentable,” patungkol ni Bianca kay Heart na feeling tuloy ng press, girl crush niya si Heart.

Sa first taping day ni Bianca, 15 hours siyang naka-black make-up at isang oras niyang inalis sa banyo. Para raw libag ang make-up ‘pag naalis, pero wala siyang reklamo at masaya to play the role of Luna. Pinag-aralan niya ang acting nina Jillian Ward at Bea Binene para hindi siya maligaw sa kanyang karakter.

Jake hindi alam ang mga pangalan ng kasama sa walang tulugan

Natatawa pa rin kami ‘pag naiisip ang sagot ni Jake Vargas sa tanong sa kanya sa presscon ng Pepito Manaloto, Ang Tunay Na Kuwento tungkol sa dumaraming cast ng Walang Tulugan. Sabi ni Jake, pati siya ay nagugulat dahil every week may nadadagdag silang kasama at karamihan nga sa kasama sa show ay hindi niya alam ang mga pangalan. Hahaha!

Medyo tumaba si Jake, pero dahil may Pepito Manaloto at may gagawin sila ni Bea Binene na morning soap, papayat na raw siya. Mukhang natutuwa si Jake sa role niyang magiging babaero, kaya wala siyang regular love team. Sa September 16, after Imbestigador at bago ang Protégé magsisimula ang pagbabalik ng Pepito Manaloto.

Thankful si Jake na muling makatrabaho sina Michael V., Manilyn Reynes at ibang cast dahil marami siyang natututunan.

One true love nire-request i-extend

Habang papalapit ang ending, mas sinusubaybayan ng viewers ang One True Love, kaya mas tumataas pa ang ratings nito. May mga request na i-extend pa ang soap,

Pero naka-depende sa head writer na si Suzette Doctolero ang desisyon dahil kung ito ang masusunod, hanggang 16 weeks lang ang itatakbo ng love story nina Tisoy (Alden Richards ) at Elize (Louise delos Reyes).

Anyway, after One True Love, sa pelikula muna mapapanood sina Alden at Louise. Ang una ay kasama sa cast ng Si Agimat, Si Enteng at Si Me na entry sa MMFF at ilang araw na itong nagsu-shooting.

Nasa cast naman ng Basement si Louise ng GMA Films at Reality Entertainment na may January­ 2013 playdate.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ANG TUNAY NA KUWENTO

BARONG TAGALOG

BEA BINENE

BIANCA

BIANCA KING

BOOK THREE

DAHIL

ONE TRUE LOVE

PEPITO MANALOTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with