^

PSN Showbiz

BB gustong mag-attend sa kasal nina Carmina at Zoren

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista - The Philippine Star

Hindi magpapatalbog sa kanyang mga kasamahang artista sa Enchanted Garden si BB Gandanghari na girl na girl ang dating. Ang mga suot nitong tight-fitting jeans at mini-dress ay nakaka-attract dahil sa high-heeled shoes pang suot. Fully made up din siya, naka-false eyelashes, at iba-iba ang hairstyle. Maligaya siya sa kanyang kalagayan ngayon.

Magkasundo na sila ni Zoren Legaspi at nasabi nito na mabuti na lang at hindi sila nagkaanak ni Carmina Villaroel dahil hindi niya kaya itong harapin bilang si BB.

Sa kabilang banda, may nagtanong kung pupunta ba siya sa kasal ng ex-wife na si Carmina kay Zoren.

Sagot ni BB, wala namang masama kung pumunta siya pero okey din kung hindi siya maimbitahan.

Singer nagkukulong sa cr para mag-girdle

 

Natuwa kami sa tinuran ng isang male singer dahil natagalan daw bago lumabas ng isang comfort room o CR sa isang hotel ang guest na female singer. Halos isang oras nga namang nakakulong sa CR ang female singer gayung fully made up naman siya.

Iyon pala, ayon sa kasamang male singer, talagang natatagalan itong lumabas ng CR na lagi niyang ginagawa dahil nagsusuot pa ng girdle kasama ang alalay. Gusto naman niyang magkaroon ng hugis ang kanyang katawan dahil tumaba ito at malaki pa ang balakang.

Solar Entertainment sasabak sa indie films

 

Rumaratsada ang Solar News Entertainment anchored by Pia Hontiveros at Jun Magsaysay. Bukod pa rito, marami nang tagasubaybay ang kanilang Talk TV.

Balitang gagawa na rin ng indie film ang kumpanya at isang magaling na direktor ang kinontrata nila. Limang indie films ang nakatakdang gawin ng Solar.

Kung sabagay, sanay na naman ang Solar dahil nagpoprodyus na sila ng local films bukod pa sa pagdi-distribute ng magagandang international films under United International Pictures. Katatapos lang nilang i-release ang The Bourne Legacy.

Personal…

Happy birthday today sa pinakamamahal naming inang si Lydia Abuan at sa Sept. 5 naman sa aming boss na si Wilson Tieng, presidente ng Solar Entertainment.

vuukle comment

BOURNE LEGACY

CARMINA VILLAROEL

ENCHANTED GARDEN

JUN MAGSAYSAY

LYDIA ABUAN

PIA HONTIVEROS

SOLAR ENTERTAINMENT

SOLAR NEWS ENTERTAINMENT

UNITED INTERNATIONAL PICTURES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with