^

PSN Showbiz

Slater takot pa kay Kris

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - The Philippine Star

Ako rin napanood ko si Slater Young, winner ng Pinoy Big Brother nang mag-co-host ito kay Kris Aquino. Kung mawawala lamang niya ’yung pagi­ging mahiyain niya, aba, eh okay siya. ’Yun nga lang parang may takot siyang buksan ang kanyang sarili, kita mo ito sa kanyang kilos at pananalita.

Puwede siyang host pero kailangan niya munang ihanda ang kanyang sarili para rito. Kailangan niya ng workshop.

Puwede rin siyang artista, and, again, workshop muna ng paulit-ulit. Okay?

Luigi kayang-kaya ang cooking show

Aba, congratulations sa anak nina Aga Muhlach at Janice de Belen na si Luigi o Iggy Boy Muhlach. Ito ang napili ng GMA para mag-host kasama si Jolina Magdangal ng bagong cooking show nilang Del Monte Kitchenomics na mapapanood twice a week, Wednesday, 11:25 a.m. at Saturday, 11:30 a.m.        

Sa mga hindi nakakaalam, isang professional chef si Luigi at palagi na na­ting napapanood na nag-i-endorse ng isang diet drink kasama ang kanyang wife at iba pang napapayat na ng nasabing inumin. Nagmamay-ari rin si Luigi ng isang kainan sa Parañaque/Alabang area na katulong din ang kanyang asawa.

Kaya hindi alangan sa kanya ang humawak ng isang cooking show dahil tulad ng kanyang ina ay graduate rin siya ng culinary course.

Welcome to GMA, Luigi!

Mga celeb na gustong gumanda ’wag nang pakialaman

Ewan ko kung against ba sa makabagong paraan ng pagpapaganda ang ilang movie writers natin na panay ang pagne-nega sa mga artistang sumasailalim sa enhancement procedure o retoke. Kung gumaganda naman ang mga artista, ano ang problema nila?

’Yung ginagastos naman sa pagpaparetoke ay bunga ng pagpapagod ng mga celebrity sa kanilang trabaho, tanggapin na lang nila na mas maganda ang nagiging resulta, mas gumaganda ang artista. Sila bang mga pumupuna kung mabibigyan ng pera at panahon ay hindi rin magpapaganda? Gusto na nilang maging pangit all their lives?

vuukle comment

AGA MUHLACH

DEL MONTE KITCHENOMICS

IGGY BOY MUHLACH

JOLINA MAGDANGAL

KRIS AQUINO

LUIGI

PINOY BIG BROTHER

PUWEDE

SLATER YOUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with