^

PSN Showbiz

Annabelle magpapa-stem cell na rin

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - The Philippine Star

Nakatanggap ako kahapon ng phone call mula kay Annabelle Rama dahil type na rin niya na sumailalim sa stem cell treatment sa Germany.

Sa totoo lang, happy ako dahil na-discover sa Germany ang stem cell treatment dahil talagang worth it na dayuhin, kesehodang isang araw ang tagal ng biyahe mula sa Pilipinas.

Plano ni Bisaya na gawin ang stem cell treatment sa third week ng July at in-encourage ko siya na ituloy ang kanyang balak dahil maganda talaga ang epekto sa katawan.

Rubby waging 2012 CEO excel

Congrats sa aking friend na si Rubby Sy ng Flawless dahil isa siya sa mga awardee ng 2012 CEO Excel (Communication Excellence in Organizations) na pinili ng Board of Trustees ng International Association of Business Communicators (IABC).

Hindi nakakagulat na napili si Rubby na awardee dahil siya ang sikreto kaya very successful ang Flawless, ang leading facial clinic ng bansa.

Doble ang tagumpay ni Mama Rubby dahil kabilang siya sa mga tumanggap ng Go Negosyo Outstanding Entrepreneur citation. Pararangalan si Mama Rubby ng CEO EXCEL sa awarding ceremonies na gaganapin sa July 12 sa Intercontinental Hotel, Makati City.

Tuwang-tuwa siya siyempre sa parangal na matatanggap niya.

Very thankful siya dahil ang pakiramdam niya, blessed na blessed siya.

“We are just really working hard at Flawless every day. This award is a bonus. I couldn’t have done it without my equally hardworking team. This award is really for all of us,” ang nagpapasalamat na statement ni Mama Rubby.

Kabilang na ngayon si Mama Rubby sa select group ng “outstanding national and industry leaders who epitomize management competence and excellence in communication at a strategic level.”

Lubos ang pasasalamat ni Mama Rubby sa Board of Trustees ng IABC na kinabibilangan nina Elpi Cuna, Jr. ng San Miguel Corporation; Ritzi Villarico Ronquillo ng North Asia–IABC; Kane Errol Choa ng ABS-CBN Corporation; Owen Cammayo ng IBM Phils.; Jeffrey Tarayao ng One Meralco Foundation, Inc.; Marvin Tort ng Think Tank, Inc.; Rosan Cruz ng Lopez Holdings Inc.; Sherryl Yao ng ABC TV5; ? Claire Papa ng United Laboratories, Inc.; Agapito Zaldarriaga ng Meralco; at Carmencita Arce ng Philippine Business Center, Inc.?

Sina Rey Anthony David, Jr.ng Great Wall Advertising; Ramon Osorio ng ABS-CBN Corp.; Veronica Tapia-Merk ng Merk Communication, Inc.; at Cosette Romero ng Fleishman-Hillard Pte. Ltd. ang Board of Advisers ng IABC at siyempre thankful din sa kanila ang Flawless boss.

Chito lagare sa pelikula

May bagong pelikula na gagawin si Chito Roño sa Star Cinema at mga bida sina Piolo Pascual at Kris Aquino.

Masipag na naman si Chito sa paggawa ng pe­likula. Natapos na niya ang The Healing na showing sa mga sinehan sa July 25 at siya ang direktor ng filmfest entry ng Regal Entertainment, Inc., ang 14th installment ng Shake, Rattle & Roll.

Magiging busy na si Chito sa shooting ng Shake, Rattle & Roll kaya clueless ako kung kailan ang umpisa ng shooting ng Piolo-Kris project.

vuukle comment

AGAPITO ZALDARRIAGA

ANNABELLE RAMA

BOARD OF ADVISERS

BOARD OF TRUSTEES

CHITO

DAHIL

MAMA RUBBY

RUBBY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with