^

PSN Showbiz

MVP dinalaw si Dolphy!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - The Philippine Star

PIK: Tuloy pa rin ang audition ng Protégé: The Biggest Artista Break pero sa online na lang ngayon pipili ang mentors.

Kung taga-Davao ka, si Phillip Salvador ang mentor na pipili; si Jolina Magdangal sa mga taga-Cebu; si Ricky Davao sa Pampanga; sa Batangas si Gina Alajar; at si Roderick Paulate sa Metro Manila.

Sa mga gusto pang humabol ng audition online, buksan lang sa www.gmanetwork.com/protégé.

PAK: Marami ang nagulat at nag-react sa ipinoste ni Ruffa Gutierrez sa kanyang Twitter account pagkatapos ng Paparazzi:

May mga ilan pa siyang tweets na sobrang na-disappoint sa ginawa sa kanya ng Paparazzi na isinalang si Ruffa sa Bulong ng Palad na naging regular segment ng talk show.

Iniisip lang namin, maaring dala lang ito ng matinding galit kaya kaagad siyang nagdesisyong magri-resign na ito. Sana magbago pa ng desisyon si Ruffa.

BOOM: Ganun pa rin ang kalagayan ni Dolphy sa huling medical bulletin na inilabas ni Eric Quizon kahapon.

Ayon sa actor/director, mas responsive ngayon ang kanyang ama.

Ramdam nilang masaya si Dolphy sa pagdating ng iba pa niyang anak ga­ling USA.

 Namataan din namin sa Makati Medical Center na dumating si Mr. Manny V. Pangilinan at maaaring dumalaw sa Comedy King.

vuukle comment

BIGGEST ARTISTA BREAK

COMEDY KING

DOLPHY

ERIC QUIZON

GINA ALAJAR

JOLINA MAGDANGAL

MAKATI MEDICAL CENTER

METRO MANILA

MR. MANNY V

PHILLIP SALVADOR

RICKY DAVAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with