^

PSN Showbiz

Dahil sa pulitika, Lucy at Richard mawawalan na ng oras sa isa't isa

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - The Philippine Star

Inamin ni Lucy Torres-Gomez sa isang panayam na muli siyang kakandidato sa susunod na halalan. Masaya ang congresswoman ng 2nd District ng Leyte na nakapaglilingkod siya sa kanyang mga kababayan.

“My job is very difficult but also very fulfilling and I’m happy to be in a position to do more than just ‘Kawawa naman’ or ‘Nakakalungkot naman.’ At least I am in a position to do something and make a difference and all at an age while I still can. I’m still young and I have the energy,” pagtatapat ni Lucy.

Nahihirapan man sa kanyang tungkulin ay nais ni Lucy na maipagpatuloy ang kanyang mga nasimulam para sa nasasakupan niyang lalawigan.

“There is so much more that needs to be done and the reelection is there for people to have choice and anybody can run. But it’s the people who will choose and as long as people choose you, you are there to serve and if people say ‘Tama na,’ you also have to know when to step backward. I feel it is really part of our democracy and you have to embrace that na ganyan talaga ang elections,” paliwanag pa ng actress-politician.

May plano rin na muling tatakbo ang kanyang asawang si Richard Gomez bilang mayor naman ng Ormoc. Ngayon pa lamang ay tanggap na ni Lucy na lalo pang mababawasan ang oras nilang mag-asawa para sa kanilang sariling pamilya dahil sa interes nila sa pulitika.

“Basta ako I go with the flow. I pray for God’s will to prevail in our lives whatever that is,” giit pa ni Lucy.

Toni ipinagdarasal na makatrabaho si Kris

Mamayang hapon ay muli naming makakasama ang Queen of All Media na si Kris Aquino sa The Buzz. Matagal-tagal na ring wala si Kris sa nasabing programa kaya tiyak na mas magiging masaya at malaman ang balitaktakan. Matatandaang June 2010 nang magpaalam si Kris sa The Buzz para makaiwas sa matitinding intriga sa kanyang personal na buhay.

Ikinatuwa rin ng aming kasamang si Toni Gonzaga ang muling pagbabalik ni Kris sa programa.

“I’m happy na muli nating mapapanood si Ate Kris. Isa talaga siya sa institusyon ng The Buzz. The Buzz is not The Buzz without Ate Kris so isa ’yan sa mga nilu-look forward natin. Sana nga nandun ako para ma-experience ko rin ang pagbabalik ni Ate Kris sa The Buzz,” pahayag ni Toni.

Naka-leave of absence kasi ang dalaga sa programa sa loob ng tatlong linggo kaya nanghihinayang si Toni na hindi niya makakatrabaho si Kris.

“Actually, laging sinasabi ni Ate Kris na sana magkatrabaho kami. ’Yun ang isa sa dasal ko na sana mabigyan kami ng opportunity na magkatrabaho. If not in a talk show maybe then in a teleserye or a movie or whatever project it is, I’m looking forward to it,” pahayag ni Toni. Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

ATE KRIS

BUZZ

KRIS

KRIS AQUINO

MATATANDAANG JUNE

QUEEN OF ALL MEDIA

RICHARD GOMEZ

TONI

TONI GONZAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with