^

PSN Showbiz

Sa rami nang ipinakilala, anak ni Dennis nalilito na sa paiba-ibang 'tita'

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK: Malaki ang pasasalamat ni Agot Isidro sa mainit na pagtanggap sa kanya ng GMA 7.

 Dumalo ito sa story conference ng bagong drama series na One True Love at may mahalagang papel na gagampanan dito si Agot kasama si Jean Garcia.

 Excited ang aktres dahil bago itong gagawin niya at pinayagan nga siya ng ABS-CBN na lumipat ng GMA 7 dahil sa gusto nga niya ng bagong challenge sa kanya.

 Kasama ni Agot dito sa One True Love sina Alden Richards at Louise delos Reyes. Pero wish din niya na makasama si Marian Rivera dahil sobrang nagandahan siya sa aktres at curious siya kung paano makatrabaho ang primetime queen ng GMA 7.

PAK: Naloka si Carlene Aguilar sa tanong ng anak niyang si Calix: “Why do I have so many titas?”

 Ang tinutukoy ng anak niya ay ang mga ipinapakilala ng daddy niyang si Dennis Trillo na mga girlfriend nito na pinapatawag lang niyang tita.

Ang pinaka-close sa kanya ngayon ay si Bianca King na naka-bonding ng bagets sa Boracay kamakailan lang.

Hindi lang kasi si Bianca ang ipinakilala ni Dennis kundi ang iba pa niyang nakarelasyon noon. At sa mga tita na ipinakilala nito, meron siyempreng paborito si Calix.

Ayaw lang sabihin sa amin ni Carlene kung sino. Pero nagpapasalamat si Carlene kay Bianca sa pag-aalaga kay Calix nung nakasama nila ito sa Boracay.

BOOM: Aminado si Sid Lucero na hindi maganda ang paghihiwalay nila ng girlfriend niyang drummer ng General Luna na si Bea Lao.

Kaya malaking bagay daw ang closeness nila ni Heart Evangelista para malagpasan niya ang sakit na naramdaman ng break-up nito sa girl drummer. Pero hindi totoong nagkadebelopan sila at nagkagustuhan.

Lumalabas sila pero kasama ang buong grupo sa Legacy at hanggang magkaibigan lang talaga dahil hindi naman niya nililigawan si Heart.

Pareho lang silang heartbroken nung tinatapos nila ang Legacy kaya naging close nga sila.

“Now, siguro naisip ko na I have to give myself a break na mag-focus muna ako sa sarili ko,” pahayag ni Sid.

vuukle comment

AGOT

AGOT ISIDRO

ALDEN RICHARDS

BEA LAO

BIANCA

BIANCA KING

BORACAY

ONE TRUE LOVE

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with