^

PSN Showbiz

Sarah hindi tinatantanan ng bantang pagpatay!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Carlo Comintan na may e-mail address na [email protected] ang name ng fan na galit kay Sarah Geronimo at nagpadala ng e-mail sa akin. Matindi ang pagbabanta ni Carlo kay Sarah na hindi dapat ipagwalang-bahala dahil matindi pa sa mga banta ng Tulfo Brothers ang kanyang ginawa.

Madali na ma-trace ngayon ang pinagmulan ng e-mail at may kakayahan ang National Bureau of Investigation (NBI) at ang police authorities na ma-locate ang kinaroroonan ng e-mail sender, seryoso o biro man ang kanyang banta kay Sarah, at kung pormal na magsasampa ng reklamo ang singer-actress. Ito ang threat ni Carlo kay Sarah:

 “Brutal namin papatayin ang primadonna na si Sarah G. kapag hindi tumigil ang singer at ang Viva sa panggagamit kay Gerald Anderson para sa publicity at personal interest.

 “Matagal ng kumukulo ang dugo namin at sa puntong ito ay ‘di na kami magpapaliguy-ligoy pa. Malaking gulo ang naghihintay at mangyayari lalo na sa concert ng primadonnang singer this July 2012. Kapag hindi tumigil sa panggagamit sa aktor at patuloy na idinawit ang pangalan nito. This is not a joke...”

Malinaw ang sinabi ng e-mail sender na hindi joke ang kanilang banta at hindi rin joke kung seser­yosohin siya ng kampo ni Sarah na may karapatan na magreklamo dahil sa paulit-ulit na pananakot ng fan.

Hindi ko sana papatulan ang e-mail dahil ayokong magpagamit sa kanilang mga drama pero paano kung totohanin nila ang banta? Mabuti nang napaghahandaan ng produ ang birthday concert ni Sarah na 24/SG para maiwasan ang anumang untoward incident.

Vicki Belo na-witness ang matagumpay na hollywood premiere ng The Road

Nasa lunch date ako kahapon sa isang sosyal na five-star hotel nang matanggap ko ang text message mula kay Dra. Vicki Belo.

Straight from USA ang text message ni Mama Vicki dahil dumalo siya sa successful red carpet premiere ng The Road sa Arclight Cinema, Holly­wood.

Major sponsor ang Belo Medical Clinic sa red carpet premiere kaya invited si Mama Vicki at naki-mingle siya sa mga artista ng pelikula, sina Rhian Ramos, Derrick Monasterio, ang mga executives ng GMA Films sa pangunguna ni GMA Films President Annette Abrogar at siyempre, si Congressman Manny Pacquiao.

Nalaman ko na well-attended ang premiere night ng The Road sa Hollywood dahil dumalo rin ang aking friend na si Atty. Jemela Nettles na magandang-maganda sa kanyang damit na creation ng international fashion designer na si Oliver Tolentino.

Pagkatapos ng screening ng The Road sa Arclight Theater, nagpunta ang mga artista at guests sa Lure ng The Cabana para sa after-party. Nag-enjoy nang husto si Atty. Nettles sa pa-party ng The Road.

Congrats sa GMA Films at sa mga artista ng The Road!

Mommy Returns maganda ang resulta

Hindi natapos sa red carpet premiere ng The Mommy Returns ang promo ni Ruffa Gutierrez sa pelikula nila nina Gabby Concepcion at Pokwang.

Kahit showing na sa mga sinehan noong Miyerkules ang The Mommy Returns, umapir pa rin si Ruffa sa Bandila ng ABS-CBN para i-promote ang pelikula at pasa­lamatan ang lahat ng mga nanood.

Ikinuwento ni Ruffa na nakatanggap siya ng tawag mula sa produ ng Regal Entertainment, Inc. na nagbalita sa kanya tungkol sa magandang box-office result ng The Mommy Returns.

Congrats kay Mother Lily Monteverde at sa kanyang anak na si Roselle Monteverde-Teo!

vuukle comment

ANNETTE ABROGAR

ARCLIGHT CINEMA

ARCLIGHT THEATER

BELO MEDICAL CLINIC

MAMA VICKI

MOMMY RETURNS

VICKI BELO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with