^

PSN Showbiz

Cristine hahataw sa sayawan sa ASAP na parang walang demanda!

-

MANILA, Philippines - Siksik sa concert performances, engradeng selebrasyon, at sikat na bituin ang hatid ng ASAP 2012 ngayong Linggo.

Kasabay ng pagdiriwang ng Labor Day, bibigyang pugay ng ASAP Kapamilya ang masisipag na manggagawang Pilipino sa pag-aalay sa kanila ng de-kalibreng production numbers mula mismo sa pinakamamalaking pangalan sa showbiz.

Pasasayahin ng Star Cinema ang lahat sa pagbisita ng lead stars ng pinakabago nitong pelikula na Every Breath U Take na sina Piolo Pascual at Angelica Panganiban; kasabay ng pagsalubong sa cast ng pinakabagong Primetime Bida fantaserye na Aryana sa pangunguna ni Ella Cruz kasama sina Diego Loyzaga, CJ Navato, John Manalo, at Paul Salas.

Huwag naman palampasin ang kakaibang birthday treat na ihahandog ng award-winning Kapamilya leading lady na si Angel Locsin; at ang makapigil-hiningang dance number na ihahatid ng Box Office Queen na si Cristine Reyes.

Muli namang mapapabilib ang lahat ng ASAP 2012” mainstays sa pangunguna nina Gary Valenciano, ZsaZsa Padilla, Vina Morales, at Nikki Gil.

Mapapa-relax naman ang lahat sa inihandang production number nina Christian Bautista, Erik Santos, Yeng Constantino, Zia Quizon, Vincent Bueno, Paolo Valenciano, Xian Lim, Matteo Guidicelli, ASAP Sessionistas, at Boys R Boys; samantalang hindi naman dapat palampasin ang back-to-back duo ni Arnel Pineda at Juris, at nina Billy Crawford at Bamboo; at ang pagsalubong sa pinakabagong miyembro ng ASAP Kapamilya na Never the Strangers.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

ANGELICA PANGANIBAN

ARNEL PINEDA

BILLY CRAWFORD

BOX OFFICE QUEEN

BOYS R BOYS

CHRISTIAN BAUTISTA

CRISTINE REYES

DIEGO LOYZAGA

KAPAMILYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with