GMA Network walang pahinga sa Holy Week!
MANILA, Philippines - Ngayong Semana Santa, inihahandog ng GMA Network ang isang espesyal na Lenten programming schedule simula Huwebes Santo (Abril 5), Biyernes Santo (Abril 6), at Sabado de Gloria (Abril 7).
Sa Huwebes Santo (Abril 5), itatampok ang iba’t ibang cartoon treats para sa mga kabataan kabilang ang all-time favorite na Tom and Jerry, 8 a.m.; Jackie Chan Adventures, 8:30 a.m.; Mojacko, 9 a.m.; Slamdunk, 9:30 a.m.; at One Piece, 10 a.m.
Ipapalabas ng Kapuso Network ang mga paboritong blockbuster Pinoy movies kabilang ang pelikulang One True Love, tampok ang phenomenal love team nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, 10:30 a.m.; ang 2004 Nora Aunor-starrer na Naglalayag, 12:30 p.m.; at ang Muro Ami, 2:30 p.m.
Susundan naman ito ng ika-apat na pagtatanghal ng CBN Asia’s telemovie na Tanikala, 5 p.m. na susundan ng Kapuso Mo, Jessica Soho.
Romantic na pelikula nina Richard Gutierrez at Angel Locsin naman na The Promise, 7 p.m.
Pagdating ng alas-9 ng gabi, kasama palabas na Philippine Treasures. At pagkatapos ay ang Reporter’s Notebook pagdating ng alas-onse ng gabi. Samahan din si Kara David sa pagbisita niyang muli sa bayan ng Paracale sa Gintong Putik ng I-Witness, 11:30 ng gabi.
Sa Biyernes Santo (Abril 6), muling sisimulan ang umaga ng mga paboritong cartoons.
Ihahandog ng internationally-acclaimed religious program na Power to Unite sa Biyernes Santos, 9:30 a.m. tampok ang host na si Ms. Elvira Yap-Go kasama ang His Excellency Pablo Virgilio David (Auxiliary Bishop of the Archdiocese of San Fernando, Pampanga).
Susundan naman ito ng Till I Met You tampok sina Robin Padilla at Regine Velasquez, 10:30 a.m.
Samahan ang Order of Preachers na balikan ang pitong huling wika ni Jesus ni krus na ihahatid live mula sa Sto. Domingo Church via Siete Palabras, 12 nn hanggang 3 pm. Susundan ito ng Tanikala, 5pm.
At pagkatapos, saksihan ang dalawang nakakaantig na kuwento ng buhay sa Kapuso Mo, Jessica Soho. Una na rito ang kuwento ng pagmamahal ni Sen. Loren Legarda sa kanyang Yaya Fely na halos maituturing na rin niyang ikalawang ina. Abangan din ang kuwento ng laban ng sikat na direktor na si Marilou Diaz-Abaya sa sakit niyang breast cancer. Tampok naman sa Wish Ko Lang ang isa sa mga natatangi nitong episodes sa alas 6:30 ng gabi.
Sa pagsapit ng alas-7 ng gabi, samahan si Mike Enriquez at si Dingdong sa Report Card, pagdating ng alas-8 ng gabi, Born to be Wild.
Samahan din si Richard Gutierrez sa Oras Na pagsapit ng alas-9 ng gabi. At pagkatapos, ay ang mga kuwento ng mga retiradong pari sa I-Witness episodesa Domus Dei, alas-11 ng gabi. At pagsapit ng 11:30 ng gabi, Tawi-Tawi episode sa Reporter’s Notebook.
Sa Sabado de Gloria (Abril 7), sisimulan uli ng cartoons. Mapapanood din ang Will Always Love You nina Richard Gutierrez at Angel Locsin, 10:30am; Lovestruck, 12nn; at ang comedy movie nina Robin Padilla at Ai-ai delas Alas’ na Ikaw Pa Rin.
Maghahatid naman ng kilig at kasiyahan ang You To Me Are Everything na pinagbibidahan nila Dingdong Dantes at Marian Rivera, 3pm at susundan ng isang horror-suspense movie mula sa CBN Asia’s Tanikala , 5pm.
Ihahandog naman ng APT Productions sa lahat ng mga Kapuso ang isang kakaiba at orihinal na Holy Week presentation tampok sina James Blanco at Lovi Poe sa Pinagpala Sa Babaeng Lahat, 5pm.
At pagsapit ng alas-10 ng umaga, samahan ang mga eco-warriors ng Born to be Wild, tampok ang isa sa mga expedition diaries nito.
Pagdating ng alas-6 ng gabi, sa isa na namang natatanging episode ng Wish Ko Lang, panoorin ang kuwento ni Noel na tuluyan nang binawian ng paningin at ngayo’y umaasa na lamang sa alaga ng limang taong gulang niyang anak.
Samantala, ang third sequel sa blockbuster movies ni Vic Sotto na Enteng Kabisote: Okay Ka, Fairy Ko: The Legend Goes On and One and On ang maghahatid ang saya mula 9pm hanggang 11pm. Susundan naman ito ng Just For Laughs, 11pm.
- Latest





















