^

PSN Showbiz

Sikat na aktor atat na uling umarte

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Balik-acting sa TV ang isang actor na sikat din sa ibang field at excited na itong simulan ang taping sa first teleserye niya. Nakipag-meeting na ito sa creative team na hahawak sa project at gustung-gusto ang project at kung puwede nga lang agad-agad simulan ang taping, hindi ito magrereklamo.

Malaki ang gagastusin ng network sa teleserye ng actor at isa ito sa pinakamahal na ipoprodyus nila, pero siguradong babalik din sa commercial ads dahil isa sa pinakasikat na personalities ng bansa ang actor-politician.

Napili na ang leading lady ng actor pero bawal pa rin siyang pangalanan at kahit blind item bawal pa. Kaya lang, sa sobrang excitement, medyo nabanggit ng actress ang tungkol sa bagong project sa isang interview sa kanya.

Kundi kami nagkakamali, nagkasama na ang actor at actress sa pelikula, pero first time nilang magtatambal sa TV.

GMA Records totohanan na ang pag-a-active

Totohanan na nga ang pag-a-active ng GMA Records at kumuha sila ng mga bagong recording artists. Noong Martes, sabay-sabay na pumirma ng recording contract sina Jessa Zaragoza, Kris Lawrence, at Geneva Cruz kasama ang manager nilang si Arnold Vegafria.

Sa tatlo, si Jessa ang unang magre-release ng album dahil sa last interview namin sa kanya, nabanggit na niya ang tungkol sa album. 

Na-tweet ni Geneva ang pagpirma nila ng recording contract sa GMA Records at sabi nito “I am grateful, honored and excited to be a true “Kapuso” na. I can’t wait to share my new album with you.”

Sa contract signing ni Julie Anne San Jose, naibalita rin sa amin na muling gagawa ng album sa GMA Records si Janno Gibbs.

Fabio Ide walang planong bumalik sa Brazil

Tama ba ang balitang isa uling Filipina ang bagong GF ni Fabio Ide? Binati sila ng isa nilang common friend as “one of the hottest couples” daw at ang accompanying picture ay slight silang magkayakap, kaya naniniwala kaming sila na nga.

Binisita namin ang respective Twitter accounts nina Fabio at ng sinasabing GF niya at parehong madalas nilang banggitin ang pangalan ng isa’t isa.

Si Fabio lang yata sa Brapanese talents ng Mercator (talent agency) ang active pa sa bansa dahil nasa Brazil na pareho sina Akihiro Sato at Daniel Matsunaga.

Tuluy-tuloy pa rin ang taping at labas niya sa My Beloved  bilang si Rowan, isa sa mga sundo.

Samantala, may show sina Fabio at Rufa Mae Quinto sa Zirkoh Morato sa May 29, at nagre-rehease na ito ng kakantahin.

Jake at Bea paghihiwalayin sa Walis…

Malapit nang magkapalit ang love team nina Jake Vargas at Bea Binene at Derrick  Monasterio at Lexi Fernadez sa Alice Bungisngis and her Wonder Walis . Magiging sina Bea at Derrick at Lexi at Jake na, pero sandali lang ito, walang dapat ipag-react at ika-hyperventilate ang JaBea fans kaya abangan ang episode mamaya.

vuukle comment

AKIHIRO SATO

ALICE BUNGISNGIS

ARNOLD VEGAFRIA

BEA

BEA BINENE

DANIEL MATSUNAGA

FABIO

FABIO IDE

GENEVA CRUZ

ISA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with