Julia walang pakialam sa role
Bilib naman ako at kahit na isang malaking artista na si Julia Roberts ay tinanggap niya ang role ng wicked stepmother sa bagong pelikula ni Snow White na Mirror Mirror. Napakalakas niyang suporta para sa baguhang gumaganap ng Snow White na si Lily Collins.
If only for Julia, marami ang interesado sa pelikula. Singganda ba siya ni Snow White? Na-preserve ba niya ang kanyang beauty?
Ako gusto kong malaman ang sagot.
Eviction sa PBB pinag-uusapan
Pinagtatalunan ng mga maid of honor ko kung sino ang dapat ma-evict o manatili sa PBB house. Apat kasi ang nominado at malalaman sa Sabado kung sino sa apat ang mawawala. Sabi nung isa, si Bigel daw pero kinontra naman ng isa dahil si Pamu na lamang daw ang matitirang mahirap na housemate. Aliw lang ako sa pakikinig sa kanila dahil ‘di ko alam na kinakategorya pala ang mga housemates ayon sa kanilang estado sa buhay. ‘Di kasi ako nakakapanood ng programa kaya ‘di ko alam kung paano ito tumatakbo sa ngayon.
- Latest





















