^

PSN Showbiz

TV host sumakit ang tenga sa sobrang pagmumura ng kapwa TV host!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Sumakit ang tenga ng isang TV host nang marinig niyang magmura ang isa pang TV host. As in batang kalye na siya pero hindi niya raw talaga kinaya ang ginawang pagmumura ng kilala niyang TV host.

Ang analysis ng mga tao sa paligid ni TV host, nai-insecure ang TV host sa kapwa niya TV host na hindi mapigilan ang pagratsada ng career sa TV at endorsement. Eh si TV host na nagmura, hindi raw gaanong in demand ngayon.

Edu ayaw sabihin kung ilang taon ang pinirmahang kontrata sa TV5

Ang daming alaga ng talent manager at Viva Group of Companies executive na si Tita June Torrejon na nagsama-sama last Tuesday para sa kanyang birthday. Ginanap sa Social Hall ng Andrea North Condominium sa New Manila ang dinner na organized ni Mr. Edu Manzano. Si Edu pala kasi ang presidente ng mga residente sa nasabing condo building kaya doon ang party.

Anyway, kasama sa maraming alaga ni Tita June sina Luis Manzano (na wala sa party unless dumating siya ng late), Cherrie Gil, Mark Gil, Joel Torre, Direk Wenn Deramas, Mylene Dizon, Al Tantay, at maraming-marami pang iba na hindi ko maalala (habang sinusulat ko to hahaha).

Si Edu ang punong-abala sa pag-e-entertain ng visitors na malalapit kay Tita June.

Pero nang tanung-tanungin na namin si Edu kung ilang taon ang pinirmahan niyang kontrata, naku ayaw niyang magsalita.

Basta ang sabi lang niya, this March 10 na ang simula ng show nila sa Game ‘N Go sa TV5 kasama sina Shalani Soledad at Gellie de Belen.

Bago ang nasabing party, nauna munang nag-host ng birthday lunch si Tito Ricky Lo para kay Tita June. ‘Tayu-tayo lang’ ang nasabing lunch as in ilan lang talagang malalapit na kaibigan ni Tita June ang present kasama na sina Susan Roces at MTRCB Chairman Grace Poe Llamanzares, Dolor Guevarra, Shirley Kuan, Lolit Solis, Manay Echu Maceda, Ronald Constantino, Baby K Jimenez, Pat P. Daza, Ethel Ramos, Chit Ramos, Ian Farinas at yours truly sa Romulo’s. 

Opening ng 690 dinagsa, anniversary ng zirkoh jampacked!

Last Tuesday night din nga pala ang opening ng Formula Bar 690 na located sa 27 Mother Ignacia St. Roces Ave. Grabe, punuan as in jampacked ang bagong bukas na 690 na dinarayo na mga kaba­dingan dahil sa mga poging bagets na ‘nagkalat’ at rumarampa. Actually, matagal na palang may ganitong bar pero ngayon lang sila nagbukas sa area ng Quezon City.

Pagpasok namin sa bar, may mga kilalang perso­nalities na nag-e-enjoy na sa panonood.

Bukod sa mga poging bagets, marami ring mga gay performers na suki raw noong kalakasan ang mga dancer sa Japan. Ang huhusay nila kaya naman tawanan ang lahat ng mga dumagsa sa opening.

Si Genesis Gallios ang general manager ng ba­gong bukas na Formula 690.

I’m sure dadayuhin ito ng mga kafatid dahil nga sa mga attraction nilang first time naming napanood.

After sa 690, sa Zirkoh Morato naman kami nagpunta. Jampacked din ha in fairness. Anniversary kasi nila that night, 8th year.

Actually, hindi nawawalan ng tao ang Zirkoh. Laging punuan lalo na kung sina Allan K at Wally and Jose ang nagso-show. Maging ang mga stand up comedians ay dinarayo sa nasabing lugar.

Sasakit kasi talaga ang tiyan mo sa kakatawa sa kanila. At isa pang ma­lakas ang dating sa Zirkoh si Big Mouth. Ibang klaseng kumanta, pramis. Alaga siya ni Lito Alejandria, partner ni Allan K sa Zirkoh. Kababalik lang nila from London at next week lilipad sila pa-Moscow.

vuukle comment

AL TANTAY

ALLAN K

ANDREA NORTH CONDOMINIUM

BABY K JIMENEZ

BIG MOUTH

HOST

SI EDU

TITA JUNE

ZIRKOH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with