^

PSN Showbiz

Grace Lee ayaw ng mga kapatid ni Presidente Noynoy?

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Kung excited daw ang nanay ni Grace Lee sa ‘relasyon’ ng anak sa presidente, ka-baliktaran naman daw ito sa mga kapatid ni Presidente Noynoy Aquino.

Ayon sa isang source na ayaw magpabanggit ng pangalan sa takot na mabuking nang nagkuwento sa kanya, hindi raw feel ng mga kapatid na babae ng presidente ang TV host para sa kanilang nag-iisang kapatid na lalaki.

Ito raw ang dahilan kaya patuloy ang pananahimik ng pamilya ng pangulo.

Abangan natin kung anong masasabi rito ng kampo ng presidente na kabaliktaran ni Grace na madalas makita sa mga talk shows.

‘Don’t Follow Your Heart’ Bilin Ni Mommy Divine Kay Sarah

Ang bongga ng Mommy Divine ni Sarah Geronimo Nag-trending siya kahapon sa Twit­ter matapos ang interview sa kanya ni Janice de Belen para sa Showbiz Inside Report.

Partida, nakatayo lang sila habang nag-iinterbyuhan at walang make up ang nasabing nanay ng Pop Princess pero naging hot topic siya sa Twitter.

Nakita ang kanyang kasimplehan at ang kanyang pagiging nanay kay Sarah G. pero tumatak sa mga nanood ang dialogue niyang : “Don’t follow your heart” para sa kanyang anak pagdating sa pagbo-boyfriend. 

Pawang positive ang comments sa kanyang interview kayang pinag-usapan sa social networking site.

At least, siguradong hindi mabubuntis si Sarah dahil sa kanyang walang sawang paalala sa anak.

Regine ayaw pumatol sa mga bitter

Naaliw si Regine Velasquez sa twitter. Panay ang update niya. Pero hindi siya pumapatol sa mga haters/bitter. Ayaw niyang ma-stress sa fans na walang magawa kundi mang-imbyerna lang.

Anyway, matagal-tagal pa bago mag-full blast uli si Regine sa showbiz. “Ang laki ko pa kasing tingnan sa TV,” sabi ng songbird nang mag-imbita siya ng ilang kaibigang press sa kanilang bahay ni Ogie Alcasid sa Quezon City. Sayang at tulog na si Baby Nate na nagkaroon ng dedication kahapon nang pumunta kami last Friday night.

Pero in fairness kay Regine, mas malaki na ang ipinayat niya kesa nung huli namin siyang makita.

Magpapapayat siya at planong ibalik sa dati ang katawan.

vuukle comment

BABY NATE

BILIN NI MOMMY DIVINE KAY SARAH

FOLLOW YOUR HEART

GRACE LEE

MOMMY DIVINE

OGIE ALCASID

PERO

POP PRINCESS

PRESIDENTE NOYNOY AQUINO

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with