^

PSN Showbiz

Nancy lumutang, 'relasyon' kay Hayden itinanggi!

- Ni SVA -

MANILA, Philippines -Lumutang kahapon si Nancy Castiglione sa Startalk matapos ang kontrobersiyal na tweet ni Dra. Vicki Belo tungkol sa kanila ni Hayden Kho last Friday.

As expected, idinenay nito ang issue tungkol sa kanila ni Hayden. In fact ang sabi niya naninibago siya at nagulat na nadawit ang pangalan niya sa intriga sa magkarelasyong Dra. Vicki Belo and Hayden.

May asawa pala itong si Nancy at nang kinakausap ng mga host ng Startalk, nasa supermarket daw sila. May kambal din siyang anak.

“I have no idea what’s going on,” sabi pa niya at wala raw siyang oras sa nasabing issue.

Magkaibigan lang daw sila at malabong mangyari ang intriga na may lihim silang relasyon at kung nagkakaroon daw sila ng communication ni Hayden, sa Twitter lang din.

Noong Friday ay lumaki ang naging tweet ni Dra. Belo na : “nancycastilogne you can now openly date @haydenjr (Hayden Kho). You have my blessings. Hope you’ll both be happy.”

Maagap naman ang naging paliwanag ni Hayden.

Growing papalitan ng Luv U!

Pasok sa bagong comedy show ng ABS-CBN, Luv U, ang mga Bulilit noon na mga dalaga’t binata na ngayon - tulad nina Miles Ocampo, Angeli Gonzales, Kiray Celis, CJ Navato at Igi Boy Flores. Ipinakikilala naman sa sitcom ang guwapitong si Marco Gumabao. Anak si Marco ni Dennis Roldan na kilala na ngayong isang pastor.

Pero hindi lang naman puro bagets ang kasama, pasok din ang ibang beteranong tulad nina Joy Viado, Smokey Manaloto at Bangs Garcia.

Ang Luv U ay kuwento ng tatlong dalagitang sina Camille (Miles), Whitney (Kiray), at April (Angeli) na lilipat sa Lamberto Uy Villarama University o Luv U upang tapusin ang kanilang pag-aaral sa high school. Habang nag-aaral sa Luv U, matututunan ng tatlong dalagita ang tungkol sa batang pag-ibig.

Sa isang interbyu, sinabi ng nagdadalagang si Miles na handang-handa na siya para sa ka­nyang bagong role. Aniya, wala yatang sasaya pa sa high school life kaya’t excited siya sa pagbubukas ng ‘klase.’

“Sobrang nakakatawa, pero mara­ming lessons ang matututunan. Talagang maraming kabataan ang makaka-relate dito.”

Dagdag pa niya na utang na loob niya sa Goin’ Bulilit ang kanyang timing sa comedy. “Sobrang marami po talaga akong natutunan sa Bulilit. Siyempre, mas mahalaga ‘yung mga aral na itinuro sa amin ni Direk Bobot (Mortis) na talagang makakatulong sa career namin.”

Samantala, maliban kina Miles, Kiray, CJ at Igi Boy at Kathryn Bernardo at Julia Montes, marami pang batang artista ang nais hasain ng Goin’ Bulilit.

Papalit ang programa sa magbababu na Growing Up na last episode na ngayong araw na napapanood tuwing Linggo pagkatapos ng ASAP Rocks.                                         

vuukle comment

ANG LUV U

ANGELI GONZALES

BULILIT

DRA

HAYDEN

HAYDEN KHO

LUV U

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with