^

PSN Showbiz

Kahit endorser na ng isang T-shirt brand, madir ng sikat na aktor ipinamimili ng mga damit ang anak sa department store

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Nakita ng isang reporter ang mother ng isang sikat na aktor na bumibili ng mga T-shirts at iba pang damit sa isang department store sa Trinoma. Endorser ng T-shirt ang aktor pero hindi naman masama kung magsusuot siya ng ibang brand ng T-shirt for special occasion.

In fairness sa nanay, hindi niya itinago na para sa anak ang pinamimili niyang T-shirt at ibang da­mit at hindi rin niya ipinakiusap sa reporter na ’wag isulat ang kanyang nakita. Alam siguro ni madir na maiintindihan ng reporter ang kanyang nakita.

 

Sarah pinayagan nang paligawan sa bahay ni Mommy Divine

 Sabi ni Sarah Geronimo sa launching ng 2011 holiday collection nang ini-endorse niyang Unica Hija, mag-i-stay siyang endorser ng clothing line hangga’t hindi siya pinapalitan at para namang walang balak ang mga taga-Unica Hija na siya’y palitan. Ang hindi lang kayang isuot ni Sarah ay kung magkakaroon ng swimsuit ang Unica Hija dahil up to now, naka-shorts pa rin siya ’pag nagsu-swimming.

Kinumusta kay Sarah si Gerald Anderson at kung sila na ba. Nangako itong ’pag sila na, ipaalam niya sa press. Ibig kayang sabihin nito ay pinopormahan siya ng aktor? 

Nabanggit ni Sarah na pinapayagan na siya ng parents niya na tumanggap ng suitors basta pupuntahan siya sa bahay. Pero sa ngayon, walang nagpaparamdam sa kanya at ayaw niyang mag-assume na type siya ng guys na lumalapit sa kanya.

Malamig ba ang Pasko niya?

“Ay, hindi ko naman hinahanap ang mainit na Pasko sa lalaki at hindi ko rin Christmas wish ang magka-BF. Sabi ko, kung magkaka-BF ako, siya na dahil ayaw kong dumaan sa iba’t ibang relasyon,” saad ng Pop Princess.

Arci napaiyak na pabobonggahin na ang career ng Viva

Napaiyak si Arci Muñoz nang pumirma ng kontrata sa Viva Entertainment dahil ’di akalaing magkakainteres si Vic del Rosario na i-co-manage siya together with Annabelle Rama. Pabobonggahin ang career ng dalaga dahil bibigyan siya ng pelikula at album.

Sa first movie niya sa Viva Films, dalawa ang leading men ni Arci at kung papipiliin, sina Richard Gutierrez at Robin Padilla ang gusto niyang makapareha. Say niya, tiyak na papayag si Annabelle na makapareha si Richard. Si Robin na lang ang problema.

Excited na rin itong mag-recording dahil chance na niyang masama ang ilan niyang sariling composition. Bukod dito, vocalist din si Arci ng Philia Band na isa sa mga gitarista ay si Dion Ignacio.

Sa January, eere na rin ang Felina, ang afternoon soap ng TV5 na kanyang pagbibidahan. Kasama niya rito si Leandro Mu?oz at Ahron Villena.

Ipinagtanggol pala ni Arci si Annabelle sa mga kumakalaban dito ngayon. Sabi ng young actress-singer: “Tita Annabelle is a good person and as my manager, sa side niya kami. Mabigat na accusation ang ibinibintang sa kanya. Kahit saan kami makarating, sa kanya pa rin ako.”

Katrina nag-aral ng meat processing at astrology

Sandali naming nakausap si Katrina Halili sa Christmas party ng GMA 7 at nakuwento nitong nagti-taping siya ng The Beloved. Hindi lang nito alam kung kailan ang airing ng controversial soap ni Dingdong Dantes at baka maurong ang pilot dahil nag-back out si Rhian Ramos.

Natutuwa si Katrina na muling bumalik sa trabaho, na-miss daw niyang mag-taping mula nang mawala siya sa Munting Heredera. Ayaw siguro nitong mag-spoiler, kaya ’di nagkuwento ng kanyang role.

Ibinalita rin ni Katrina na nag-aaral siya ng meat processing at astrology at nag-sample pa sa ilang press ng kaalaman niya sa astrology. Inalam ang birth date ng reporter at sinabi ang lucky year nito. Natawa ito sa biro ng press na baka dumating ang araw na isa na siyang astrologist at may planta ng meat processing.

vuukle comment

AHRON VILLENA

ANNABELLE

ANNABELLE RAMA

ARCI

NIYA

SABI

SIYA

UNICA HIJA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with