^

PSN Showbiz

Boy Abunda sa restaurant business magre-retire

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK : Pagkatapos ng grand opening ng bagong restaurant nina Boy Abunda at Boy So ay lalong lumakas ito at maganda ang feedback sa kanilang mga inihandang pagkain.

Matatagpuan ang kanilang restaurant na Sir Boy’s Food Republique sa may Panay Avenue na dinarayo na dahil mura nga lang lalo na ang kanilang promo na P99 na buffet ng 10:00 a.m.

Ang ikinatuwa pa ni Kuya Boy, ngayon pa lang ay may mga nagtatanong na kung paano mag-franchise.      

Wala pa silang balak sa ngayon, mas gusto nilang mag-focus muna sa naturang bagong restaurant.

Nabi-visualize ni Kuya Boy na kapag magre-retire na siya sa showbiz ay restaurant business ang kanyang pagkakaabalahan at hindi pulitika.

PAK : Sa presscon ng bagong drama series ng TV5 na PS I Love You, si Dina Bonnevie na rin mismo ang nagtanong bakit hindi si Sharon Cuneta ang kinuhang katambal ni Gabby Concepcion.

Ito kasi ang sequel ng pelikulang pinagsamahan nila noon.

Ang paliwanag ng mga taga-TV5, marami namang TV series na remake na hindi na ginagampanan ng orihinal na bida. Kaya hindi na nila kinausap si Sharon para ialok ang TV project.

Hindi pa rin naman kinumpirma ng TV5 kung tuloy na nga ang paglipat ni Sharon sa kanila. Pero matutuloy ito kaya hindi malayong magsama sila ni Gabby lalo na’t pareho silang mina-manage na ni Boss Vic del Rosario.

BOOM : Sa Lunes na ang dating ni Manny Pacquiao kasama ang asawa niyang si Jinkee.

Hindi siya natuloy ngayong araw dahil gusto nitong may panahon pa sila ni Jinkee na makalabas na silang dalawa lang.

Kahit nabugbog siya ng husto ni Juan Manuel Marquez, masayang-masaya siya dahil nagkaayos na sila ni Jinkee at nabalik ang matamis nilang pagti­tinginan.

vuukle comment

BOY ABUNDA

BOY SO

DINA BONNEVIE

FOOD REPUBLIQUE

GABBY CONCEPCION

I LOVE YOU

JINKEE

JUAN MANUEL MARQUEZ

KUYA BOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with