^

PSN Showbiz

Janelle magang-maga pa, matatagalan bago tuluyang maka-recover

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Ipinakita sa 24 Oras ang litrato ni Janelle Manahan na naka-confine pa rin sa Asian Hospital and Medical Center.

Magang-maga pa ang mukha ni Janelle kaya ibang-iba ito sa mga litrato niya na nakikita natin bago siya binaril at sinaksak ng suspect sa pagpatay sa kanyang boyfriend na si Ramgen Revilla.

Tagumpay ang operasyon sa mukha ni Janelle pero matatagalan pa bago siya makapagsalita.

Limang taon na pala ang relasyon ni Janelle kay Ramgen kaya masakit na masakit para sa kanya ang pagkawala ng boyfriend.

Inaabangan ang complete recovery ni Janelle dahil mahalaga ang kanyang mga sasabihin tungkol sa mga nalalaman niya sa sibling rivalry ng mga anak ni Genelyn Magsaysay.

Masuwerte si Janelle sa pagkakaroon ng ama na tulad ni Julius na very caring at supportive. Composed na composed si Julius sa mga interbyu sa kanya. Malinaw at walang paliguy-ligoy ang kanyang mga statement at may dahilan pala dahil dati rin siyang miyembro ng media.

Shalani naka-isang taon na sa showbiz

Ilang araw nang puro tungkol sa kaso ng pagpatay kay Ramgen ang topic ko kaya marami akong nakalimutan.

Kung hindi pa ako nakatanggap ng text message mula kay Shalani Soledad, hindi ko maaalala na showbiz anniversary niya noong November 8.

Hiyang-hiya ako kay Shalani dahil siya pa ang nag-remind sa akin na one year na siya bilang co-host ng Wil Time Bigtime noong Martes.

Kung matatandaan ninyo, November 8 nang mag-debut si Shalani bilang co-host ni Willie Revillame sa show na Willing Willie pa ang title noon.

Big news at front page ang unang appearance ni Shalani dahil sa naging nakaraan nila ni P-Noy.

Since then, malaki na ang improvement ni Shalani bilang co-host ni Willie. Nabawasan na ang kanyang pagiging mahiyain at sumasagot na siya sa mga biro sa kanya ni Willie.

Kahit malapit nang mag-asawa si Shalani, wala siyang plano na mag-goodbye sa Wil Time Bigtime dahil mahal na mahal niya ang programa, ang production staff, ang lahat ng mga kasama sa show at ang loyal fans ng kanilang show.

Korina tinupad ang pangakong ensaymada

Maraming salamat kay Mama Korina Sanchez sa mga ensaymada na ipinadala niya sa akin. Dahil pa rin sa Ramgen issue, muntik ko nang makalimutan na pasalamatan si Mama Koring na very thoughtful at hindi nakakalimot sa kanyang mga OPM.

Tinupad ni Mama Koring ang kanyang pangako nang magkita kami sa Vera-Perez Gardens na padadalhan niya ako ng masarap na ensaymada.

Nagpunta ako sa pa­nga­lawang gabi ng misa para kay Boots Plata sa Vera-Perez Gardens at dito kami nagpang-abot ni Mama Ko­ring na blooming na blooming dahil happy siya sa piling ni Papa Mar Roxas.

Glamorosa nakakapuyat…

Nakoo, ilang gabi na akong napupuyat dahil sa Glamorosa. Ito na ang epekto ng panonood ko sa pilot episode ng bagong teleserye ni Lorna Tolentino sa TV5.

Naumpisahan ko ang simula ng Glamorosa kaya siguradong tuluy-tuloy na ito hanggang matapos.

Iniiwasan ko na manood ng mga teleserye dahil ayoko nang magpuyat pero nabali ang pangako ko sa sarili dahil sa Glamorosa.

Tatlo sa mga alaga ko ang cast members ng Glamorosa, sina LT, Jenny Miller at Tonton Gutierrez at bilang kanilang manager, dapat lang na suportahan ko ang show nila.

vuukle comment

DAHIL

GLAMOROSA

JANELLE

MAMA KORING

RAMGEN

SHALANI

VERA-PEREZ GARDENS

WIL TIME BIGTIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with