^

PSN Showbiz

Gabby Concepcion natakot sa multo ng kahapon

-

MANILA, Philippines - Nagbabalik muli sa te­le­bisyon ang numero unong horror program noong 90s, ang Regal Shocker noong panahong aktibo pa sa telebisyon ang Regal Television. Ilang taon ding namayani ang RS at nag­marka sa isipan ng ma­nonood ang opening credits kung saan ang taga-intro ng episode ay ang imahe ni Kamatayan!

Sa pakikipagtulungan ng TV5 at ni Roselle Mon­teverde, muling bi­nu­­hay ang thriller prog­ram na updated at mas binonggahan ang spe­cial effects. Milyong pi­so ang ginagastos sa ba­wat episode na sisimulan nga­yong Sabado, Nob­yembre 5 na ang pilot episode ay Elevator.

Pagbibidahan ng ori­gi­­nal Regal Baby na si Gab­by Concepcion ang episode na tungkol sa pagmumulto ng iniwan niyang girlfriend na ginampanan ni Niña Jose. Dahil sa kabigu­an, nagpakamatay si Ni­­ña sa loob ng elevator at doon na nagsimula ang pana­nakot niya kay Gabby sa ospital kung saan nakaratay ang anak niyang maysakit na ginampanan ni CJ de Guz­man. Tinaguriang killer elevator din ang na­sa ospital dahil bawat ta­ong sumakay roon ay may hiwagang nangyayari.

Sa direksyon ni Topel Lee, dobleng kilabot, takot at lagim ang hatid ng Regal Shocker sa pagbabalik nito.

vuukle comment

CONCEPCION

DAHIL

ILANG

KAMATAYAN

REGAL BABY

REGAL SHOCKER

REGAL TELEVISION

ROSELLE MON

SHY

TOPEL LEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with