^

PSN Showbiz

Properties nina Raymart at Claudine ipinangalan na sa kanilang mga anak

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Hindi ang break-up nina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao ang biggest showbiz story sa ling­gong ito dahil umeksena ang balita na nawala ang limang milyong piso ni Claudine Barretto sa bangko.

Maraming question ang naghihintay ng kasagu­tan sa bagong isyu tungkol kay Claudine na tu­ma­bon sa tsismis na hiwalay na sina John Lloyd at Shaina.

Bakit may kasama si Claudine na abogado nang pu­munta siya sa bangko para i-withdraw ang kadatungan? Bakit maingat sa pagsasalita ang legal counsel ni Claudine?

Bakit hindi kasama ni Claudine ang mister na si Raymart Santiago? Bakit umiiyak si Claudine? Sino ang mabilis na nakapag-withdraw ng datung na ginegetlak ni Claudine mula sa bangko?

Hot na hot ang balita na may pinagdaraanan na problema sina Claudine at Raymart dahil nag-trending topic sila sa Internet.

Malakas ang kutob ng mga showbiz observers na malaki ang problema ng mag-asawa dahil sa pag-iyak ni Claudine sa TV. Nakadagdag sa isyu ang balita na inilipat nina Claudine at Raymart sa pangalan ng mga anak nila ang kanilang properties.

Saka, very accommodating sa media si Atty. Mara­nan. Sinasagot niya ang mga questions ng mga reporters pero this time, nagsalita siya na hintayin na lang ang statement na manggagaling mula kay Shirley Kuan, ang manager ni Claudine. Lalong naghinala ang mga intrigera na may hindi magandang nangyayari sa ta­hanan ng mga Santiago.

Mahaba pa ang itatakbo ng isyu tungkol sa pagkawala ng limang milyong piso dahil hindi pa nagsasalita si Raymart.

Abangan natin ang mga susunod na kabanata sa nakakaintrigang pag­­kawala ng kadatungan ng mag-asawa.

Glamorosa ni-reshoot, Celeste Legaspi wala na sa cast pinalitan ni Gloria Diaz

Ni-reshoot ang ilang mga eksena ng Glamorosa dahil nagkasakit si Celeste Legaspi kaya nawala ito sa cast ng primetime show ni Lorna Tolentino sa TV5.

Hindi ko pa alam ang aktres na ipinalit sa role ni Celeste. Basta ang alam ko, nagbago ang schedule ng promo guestings ni LT dahil sa reshoot ng mga eksena.

Marami ang nanghinayang sa pagkawala ni Celeste sa Glamorosa cast dahil ito sana ang kanyang engrandeng comeback sa akting. Matagal na naging inactive si Celeste sa showbiz kaya natuwa ang kanyang friends nang malaman nila na mapapanood siya sa Glamorosa. Eh biglang nagkasakit ang mahusay na singer-actress at ikinadismaya ito ng kanyang friends.

Pinalitan ang character ni Gloria Diaz.

Joem nakakawala na sa anino ni Piolo

Si Joem Bascon ang lider ng aswang tribe sa Aswang, ang Halloween presentation ng Regal En­ter­tainment, Inc.

Si Joem ang katabi ko sa press interview sa Mesa Grill noong Martes kaya kitang-kita ko ang mga tattoos sa kanyang leeg at katawan.

Nakilala noon si Joem bilang look-alike ni Piolo Pascual at ngayon, unti-unti na siyang nagkakaroon ng identity.

Si Lara Quigaman ang gumaganap na asawa ni Joem sa Aswang. Hindi puwedeng ma-link si Joem sa dating beauty queen dahil engaged na ito kay Marco Alcaraz.

Naging girlfriend ni Joem si Meryll Soriao. Hindi rin nagtagal ang kanilang love affair pero friends na sila. Nakatulong kay Meryll ang pag-aaral sa ibang bansa para maka-recover siya sa break-up nila ni Joem.

vuukle comment

BAKIT

CELESTE LEGASPI

CLAUDINE

DAHIL

GLAMOROSA

GLORIA DIAZ

JOEM

RAYMART

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with