^

PSN Showbiz

Hunk actor na ginawang singer, pinagtawanan ang boses!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

MANILA, Philippines - Sobrang nakakatawa raw ang boses ng isang hunk na sinubukang mag-record ng album. Nang makatapos daw ng isang album ang hunk, mismong ang mga bossing na nag-encourage na kumanta ang natawa sa resulta ng ilang kanta. As in super laugh daw ang mga bossing dahil hindi halos maka-carry ng tune ang kanilang pinu-push na hunk actor.

Ewan ko lang kung ilalabas pa ang nasabing album ng actor or forever na lang nilang ibuburo para hindi na ma-tsapter ng mga fans.

Kung sabagay bakit naman si Anne Curtis. Naka-gold ang album samantalang dati parang biro lang ang pagkanta niya. So baka naman puwede. Idaan na lang sa ‘landi’ ng hunk ang pagpo-promote para kaaliwan at kalimutan na lang ang boses niya.

MTRCB magdadagdag ng R-16?

Nagbabalak raw maglagay ng bagong classification ang Movie and Television Review and Classification Board sa pamumuno ni Ms. Grace Poe-Llamanzares.

Balitang magdaragdag ng R-16.

Pero ngayon pa lang ay may ilan nang hindi favor sa nasabing plano. Masyado na raw kasing malapit sa R-18. Parang useless na. Mas favorable pa raw kung instead na R-18 gawin na lang R-16 para pag hindi puwede, diretso sa X rated.

At least pag R-16 daw baka mabantayang mabuti ang mga batang nanonood sa sinehan na minsan ay nalulusutan ng mga mas bata na hindi pa dapat nanonood ng isang for adult na movie.

Shamcey hindi nakuha ni Kuya

Walang Shamcey Supsup na ipinakilala the other night sa launching ng bagong edition ng Pinoy Big Brother na ngayon ay may karugtong nang Unlimited.

Ang buong akala ng marami, siya na ang papalit sa lumayas na si Mariel Rodriguez, hindi pala. Nauna na kasi itong napabalita.

Actually, kahit si Direk Lauren Dyogi, unit head ng PBB ay nagulat na lumutang ang pangalan ng beauty queen.

May contract pa raw kasi si Shamcey sa Binibi­ning Pilipinas Charities, Inc. so, hindi pa siya puwedeng mag-work on her own.

Direk Lauren avoided na rin na masyadong pag-usapan si Mariel during the launching ng bagong PBB. Mag-move on na lang daw lahat dahil wala na ito.

Anyway, magbubukas na ang Bahay ni Kuya simula sa Oktubre 29, Sabado.

Na-retain sina Toni Gonzaga and Bianca Gonzalez bilang mga host, kasama ang bagong dagdag na sina Robi Domingo at Martin Concio sa kick-off show na pinamagatang PBB Unlimited: The Big Fiesta.

“Talagang mas maganda ito kesa sa nakaraan. Kumpara sa ibang seasons, ito na yata ang pinakabonggang season ng PBB,” hirit ni Toni na nasa abroad ang boyfriend na si Paul Soriano nang mag-birthday dahil sa pelikulang Thelma. (Sa Thelma nagsimula ang issue kina Direk Paul and Maja Salvador).

Hindi naman maitago ni Robi ang excitement sa pagho-host kung saan siya unang nakilala as housemate.

Para naman kay Martin, da-ting host ng Music Uplate Live, isang panibagong hamon ang pagho-host ng PBB Unlimited.

“Fan na talaga ako ng series mula pa noong nagsimula ito, noong panahon pa nina Sam Milby.”

Halu-halong emosyon naman ang naramdaman ni Bianca sa pagbabalik ng programa dahil muli niyang makakatrabaho ang mga dating kasamahan simula nang mag-host siya sa PBB Teen Edition although may konti ring lungkot dahil wala na ang kaibigan niyang si Mariel na alam niya from the start ang naging plano sa paglipat sa TV5.

“Nakakatuwang maging parte ng PBB kasi hindi lang kami ni Toni ang nag-grow, pati ‘yung mga kasamahan namin sa show,” sabi ni Bianca na nagsabing parati lang siyang nasa gitna ng ‘bangayan’ ng dalawa niyang kaibigan na sina Toni at Mariel.

Anyway, sa ginanap na auditions, ito na raw ang may pinaka-maraming nag-audition.

Iza sumexy sa Flawless

Third week na sa countdown ng tenth National Flawless Day, at humanda na sa 40% off sa amazing wellness packages of Flawless para sa kanila, Forever Sexy promo. Nagsimula ito noong Oct. 17 up Oct. 23 lang. Kaya may discount sa lahat ng Flawless branches nationwide ang Shape & Sculpt, kasama ang Nutraceutical, L-Carnitine. Isa ito sa pinaka-effective na pampapayat.

Also included in the celebration is the popular Pick A Prize contest. You get to walk away from Flawless with a sexy body and a prize to boot! For inquiries, please call 687-9118 or 584-6807.

Kaya kung gusto ninyong maging kasing sexy ni Iza Calzado, go na kayo sa Flawless.

Cheap lang magpa-sexy.

vuukle comment

ANNE CURTIS

BIANCA

BIG FIESTA

DIREK LAUREN

LANG

MARIEL

TONI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with