^

PSN Showbiz

Blank check kasi ang ibinigay, perang pinaghirapan ng aktres ipinambayad lang ng ex-BF sa casino

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Hanggang ngayon, hindi pa rin maisip ng isang magandang aktres kung bakit napapayag siya ng kanyang ex-boyfriend na magpahiram ng blank check na ibinayad sa utang nito sa casino. Ngarag ang aktres dahil break na sila ng guy at hindi na nag-uusap at hindi na masingil ang inutang nito.

Tama naman ang aktres na kaya niya pinahiram that time ay dahil BF pa niya ito at mahal niya. Kaya lang, ilang linggo lang ang nakaraan mula nang pahiramin niya ng pera ang ex-BF through her check, nag-break na sila.

 Ang masakit nito, pinaghihirapan ng aktres ang kanyang pera at siya lang ang naghahanap-buhay sa pamilya nila. Hindi namin alam kung alam ng family ng aktres ang nangyari sa dalaga na nabawasan ng malaki ang kanyang ipon sa bangko.

Janno pakakasalan uli si Bing

Maganda ang simula ni Janno Gibbs bilang new talent ng PPL Entertainment ni Perry Lansigan dahil never pa siyang na-late sa kanyang mga appointment. Suportado rin ng PPL ang mga ideas niya gaya ng Oct. 15 concert niya sa Music Museum billed Janno Gives na idea rin niya ang title.

Ang Yes! Pinoy Foundation na kinabibilangan ni Dingdong Dantes ay isang concert at isa rin si Dingdong sa guest kasama sina Marian Rivera, Dennis Trillo, Jolina Magdangal, Jennylyn Mercado, ang anak na si Alyssa Gibbs, at Jaya.

Contrary sa tsismis, okay sina Janno at Bing Loyzaga at present ang asawa sa launching ng Biblio bilang suporta sa kanya. Heto pa, puwede silang magpakasal uli ni Bing sa kanilang wedding anniversary.

Samantala, sobrang nabibilisan si Janno sa pacing ng Protégé, kung saan isa siya sa 10 mentors. 

Vice Ganda naimbiyerna sa kulang na rubber boats ng Calumpit

Isa si Vice Ganda sa mga taga-showbiz na tumulong sa mga nabiktima ng bagyong Pedring sa Calumpit, Bulacan. Sa tulong ng mga kaibigang sina Liz at Laureen Uy, Nicole Anderson, Jhong Hilario, Jon Avila, Ryan Bang, Frank Magalona, at Georgina Wilson, nagdala ng relief goods sa Calumpit si Vice kasama si Jon at iba pa.

Naimbiyerna lang si Vice Ganda dahil kulang ng rubber boats na maga­gamit sa pagdi-distribute ng relief goods. Nalungkot din ito dahil 500 families lang ang kanilang natulungan at nakita rin nito na mas malala ang situwasyon sa mga binahang lugar sa personal kesa mga nakikita sa TV.

Samantala, naurong sa Oct. 26, ang showing ng Praybeyt Benjamin, ang second title role movie ni Vice Ganda na co-produced ng Viva Films at Star Cinema.

Glamorosa ni LT mala-Nip/Tuck

Kahapon ginanap ang storycon at pictorial ng Glamorosa ng TV5 na pagbibidahan nina Lorna Tolentino at Alice Dixson kasama sina Zoren Legaspi, Martin Escudero, at Tonton Gutierrez sa direksiyon ni Eric Quizon.

Mala-Nip/Tuck ang tema ng first project ni LT sa TV5 at tsika sa amin, mini serye ang next project ng aktres habang hindi pa magagawa ang Silay na pagsasamahan nila ni Ms. Susan Roces na lumipat muna sa ABS-CBN.

Kung hindi nabago ang na-tweet ni LT, today ang first taping day ng Gla­morosa at sa November ang airing nito.

Excited nang muling magtrabaho ni LT at maagang natulog Monday evening para sa storycon at pictorial niya kahapon.

vuukle comment

ALICE DIXSON

ALYSSA GIBBS

BING LOYZAGA

CALUMPIT

DENNIS TRILLO

DINGDONG DANTES

JANNO

NIYA

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with