^

PSN Showbiz

Coco kinalimutan na ang away kay Matteo

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Noong isang linggo ay lumabas si Matteo Guidicelli sa telebisyon para hu­mi­ngi ng pasensya o tawad kay Coco Martin dahil sa na­ganap na alitan sa kanila sa nakaraang Star Magic Ball. Sangkot sa nasabing in­sidente si Maja Salvador.

Sa unang pagkakataon na­man ay hinarap na rin ni Coco ang isyu at nagbigay na siya ng pahayag tungkol dito.

“Maayos naman, sabi ko nga kumbaga sila na ’yung nagbukas ng pinto para magkaayos kami at sila na ’yung nagpakumbaba. Ako rin po, hinihiling ko na matapos na rin ito at magkaayos na rin kami,” sagot ng aktor.

Dagdag pa ni Coco, kinalimutan na niya ang nangyaring hindi maganda sa kanila ni Matteo at umaasang magkakaayos na silang dalawa. “Alam ko maaayos din ito one of these days. Masaya ako, parang willing namang mag-ayos ’yung bawat pa­nig at tahimik naman kami pare-pareho,” sabi pa ni Coco.

Wala rin problema sa aktor kung sakaling ma­bibigyan siya ng pagkakataon na makasama sa isang proyekto sina Matteo at Maja.

Samantala, kakaalis lamang ni Coco sa bansa para sa One Kapamilya Go at teleserye tour sa Amerika. “Iniimbitahan namin kayo sa aming te­leserye tour sa Hawaii sa September 30, sa Union City sa October 2, sa New York City sa October 7, October 8 po nasa San Diego kami, at October 9 nasa Alaska po,” balita ni Coco.

Paano na si KC?, Piolo tuloy na naman sa pagbiyahe sa abroad

Hindi pa rin matigil-tigil ang kontrobersiya sa relasyon nina Piolo Pascual at KC Concepcion. Ka­makailan ay sobrang pinag-usapan ang estado ng dalawa dahil dumaan sa pagsubok ang kanilang relasyon pero naayos namang muli ito. May mga nagsasabi na hanggang ngayon ay hindi pa talaga okay ang relasyon nina KC at Piolo.

“Siyempre hindi natin maalis ’yun. Ano mang sabihin ng tao, bahala na, basta alam ko okay kami. Basta nairaos din namin ’yung Star Magic Ball, for three consecutive years siya ’yung kasama ko. Ma­laking kapanatagan sa akin ’yun. Kung anuman iniisip ng tao, bahala na sila,” seryosong pahayag ni Piolo.

Binigyan pa ng aktor si KC ng alahas bilang pa­sa­­salamat at simbulo ng kanyang pagmamahal sa dalaga. “It’s just a token bilang babae, masarap ’yung napapaligaya ka. Tinanggap ng buung-buo kaya happy ako,” dagdag pa ni Piolo.

Magiging abala na ang aktor ngayon sa abroad para sa kanyang album tour sa buong Asya. Mawa­walan kaya ng komunikas­yon o oras sina Piolo at KC sa isa’t isa?

“Trabaho ’yun, basta may oras naman. Hindi naman mawawala ’yun. Start na rin siya ng soap niya. Excited for her, workaholic din,” giit pa ni Piolo.— Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

COCO MARTIN

MAJA SALVADOR

MATTEO

MATTEO GUIDICELLI

NEW YORK CITY

ONE KAPAMILYA GO

PIOLO

SHY

STAR MAGIC BALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with