^

PSN Showbiz

Angelica ayaw maki-level kay Erich

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Parang mas gumanda ngayon ang katawan ni Derek Ramsay nang mapanood ko sa The Biggest Loser Pinoy Edition last Wednesday night.

Parang mas kitang-kita na ang mga muscle niya sa katawan.

Ito kaya ang pinag-aawayan nina Angelica Panganiban at Erich Gonzales na parehong hindi puwedeng magsalita tungkol sa nasabing away nila?

Nauna na sanang nagtaray si Angelica kay Erich at nag-dialogue ito na hindi naman sila magka-level ni Erich kaya hindi sila puwedeng i-compare pero hindi natuloy na iere ang nasabing interview ni Angelica dahil nakiusap ang Star Magic na itame ang nasabing interview.

Wala namang narinig kay Erich tungkol sa issue dahil ayaw nga niyang magsalita.

Ipina-raffle ni Ruffa galing kay John Lloyd?

Inasar-asar si Ruffa Gutierrez ng mga staff and crew ng matatapos niyang programang Mga Nagbabagang Bulaklak sa TV5. Paano ba naman, kasama sa mga ipina-raffle niya ang isang unit ng Cherry Mobile. Yup, ang nasabing brand ng telepono ang ini-endorso ng aktor na si John Lloyd Cruz na alam naman natin ang naging koneksiyon sa buhay niya. Tinanong-tanong daw tuloy ang TV host-actress ng mga staff kung kailan ibinigay ni John Lloyd ang nasabing telepono sa kanya.

As usual laugh lang si Ruffing sa pang-aasar sa kanya ng mga staff na naging kaibigan na niya habang ginagawa ang Mga Nagbabagang Bulaklak. Alam kaya ito ni Shaina Magdayao?

Playboy founder, inayawan ng mapapangasawa

Uy kanselado pala ang napabalitang kasal ng Playboy founder na si Hugh Hefner, 85 years old, ilang araw bago ito maganap.

Ayon sa report ng Reuters, sinabi nito na ni-reject siya ng kanyang fiancée - ang 25-year-old na si Crystal Harris at nagkaroon ito ng “change of heart.” Ang kasalan sana ay dadaluhan ng 300 people sa Playboy Mansion sa Los Angeles.

“In an unfortunate coincidence, Harris appears on the cover of the July Playboy issue, hitting newsstands on Friday, described as “America’s Princess ... Introducing Mrs. Crystal Hefner,” ayon pa sa report ng Reuters.

Pero agad naman daw itong ginawan ng paraan.

“Recent events call for a special sticker on the July cover. Look for it on newsstands,” say ni Hefner sa Twitter.

Nakalagay na sa red sticker “Runaway Bride In This Issue!” covers most of Harris’ bottom half ayon pa sa report.

Ang bongga parang pelikula ang kuwento nila.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

BIGGEST LOSER

CHERRY MOBILE

CRYSTAL HARRIS

DEREK RAMSAY

ERICH

ERICH GONZALES

HUGH HEFNER

JOHN LLOYD

MGA NAGBABAGANG BULAKLAK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with