^

PSN Showbiz

Napunta na kay Iza, Jennylyn tsinugi sa gagawing soap opera kasama si Dennis

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Si Iza Calzado at hindi na si Jennylyn Mercado ang bida sa another new soap opera ng GMA 7 na pang-hapon.

Ang sabi ng aking spy, nagkaroon ng pagbabago sa cast dahil si Dennis Trillo ang leading man at dahil break na sila ni Jennylyn, mahirap na silang pagsamahin sa isang project, lalupa’t fresh na fresh pa ang kanilang break-up.

In short, si Iza na ang leading lady ni Dennis at ang taping ng bagong afternoon soap ang kanyang pagkakaabalahan kapag natapos na ang I Heart You Pare.

Dead body ni Osama, gustong makita ng buong bayan

Dead na si Osama Bin Laden at hindi ako na-shock nang pumutok kahapon ang balita na nag-goodbye earth na siya.

Matagal nang hinahanap si Bin Laden ng American forces as in 2001 pa siya hina-hunting pero kahapon lamang siya natsugi.

Ang sabi sa news, nasa kamay ng U.S. Forces ang labi ni Bin Laden. Type ng buong sanlibutan na ma-sight ang lifeless body ng terorista na pasimuno sa pag-atake sa World Trade Center noong Sept­ember 11, 2001 para makumbinsi sila na talagang si Bin Laden ang dead body. To see is to believe ang drama nila.

Mark Anthony magkasunod na ang programa sa primetime

Ngayong gabi ang presscon ng Munting Heredera, ang bagong show ng GMA 7 na ipapalit sa Dwarfina na mapapanood na lamang hanggang sa Biyernes.

Starring sa Munting Heredera sina Camille Prats, Katrina Halili, Gloria Romero at ang aking ina­anak na si Mark Anthony Fernandez.

Napapanood din si Mark sa I Heart You Pare pero malapit na rin itong matapos kaya walang problema kung magkasunod ang timeslot ng Munting Heredera at ang primetime show na iniwan ni Regine Velasquez dahil sa kanyang pagbubuntis.

BH ‘Royalty’ ang mga character

Nang panoorin ko ang royal wedding nina Prince William at Kate Middleton, saka ko na-realize na galing sa mga pangalan ng British royalty ang mga karakter sa Babaeng Hampaslupa.

Diana ang name ng karakter ni Alice Dixson at Charles ang pangalan ng papel na ginagampanan ni Jay Manalo. William ang name ni Christian Vazquez, Harry si Wendell Ramos at Elizabeth sina Karel Marquez at Alex Gonzaga.

Huwag nating kalimutan na George ang pangalan ng karakter ni Freddie Webb at Edward si Eddie Garcia. Very British royalty debah?

AiAi naka-diskubre ng fountain of youth

Marami ang pumupuri sa Flawless billboard ni AiAi delas Alas sa Guadalupe, Edsa. Hindi raw nila namukhaan si AiAi dahil nag-iba ang kanyang itsura.

Seksing-seksi si AiAi sa Flawless billboard dahil ‘yun ang epekto ng mga treatment sa kanya sa affordable beauty clinic na kanyang ini-endorso.

Happy si AiAi dahil parang na-discover niya ang fountain of youth mula nang mapadalas ang pagpunta niya sa Flawless.

vuukle comment

ALEX GONZAGA

ALICE DIXSON

BABAENG HAMPASLUPA

BIN LADEN

CAMILLE PRATS

CHRISTIAN VAZQUEZ

DENNIS TRILLO

I HEART YOU PARE

MUNTING HEREDERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with