^

PSN Showbiz

Hirap na hirap sa pagbubuntis, Regine hindi na makakabalik sa trabaho, papalitan na ni Iza Calzado

- Ni SVA -

MANILA, Philippines - Pahinga na si Regine Velasquez.

Simula sa Lunes, papalitan na siya ni Iza Calzado sa programang I Heart You Pare ng GMA 7 ayon sa late breaking statement na natanggap namin kagabi.

“Nais pong ipaalam ng GMA entertainment na ang role na Tonette o Tonya sa I Heart You Pare ay gagampanan na ni Ms. Iza Calzado simula ngayong Lunes April 11. Pinayuhan ng kanyang doctor si Ms. Regine Velasquez na pansamantalang magpahinga ng husto dahil sa severe migraine attacks niya na maaaring dala ng puyat at pagod sa taping. Pinasiyahan ng network na ibigay kay Regine ang nararapat na pahinga para sa kanyang agarang paggaling,” ayon sa kanilang pahayag.

Wala pa ring nakalagay na nagkukumpirmang buntis nga ang Songbird pero maraming mga reliable sources na ang nagkuwento na preggy nga ang 41 years old na asawa ni Ogie Alcasid.

* * *

May nagkuwento na may pagka-bading daw ang non-showbiz husband ng isang actress/singer.

Ayon sa source, ito ang rason kaya never na ipinakilala ni actress/singer ang kanyang hubby na ama ng kanyang anak.

Pero ang maganda lang daw dito, kahit sabihin pang may pagka-bading ang asawa nito, ubod naman daw ng yaman ng pamilya nito at hindi halata ang kabadingan.

May bunga ang kanilang pagiging mag-asawa sa kabila ng tsismis na ito.

* * *

Apat na oras na makikipagharap sa psychiatrist si Ruffa Gutierrez para patunayang hindi siya baliw.

Kaugnay pa rin ito ng annulment nila ng dating asawang si Yilmaz Bektas na hanggang ngayon ay hindi pa tapos kaya napagkakamalang nagsisinunga­ling siya ng dating asawang si Yilmaz Bektas.

Tatlong taon nang tumatakbo ang annulment case nila pero hanggang ngayon, wala pa ring resulta.

 “I have to take a four-hour test just to present that I’m not baliw,” say niya.

Kasi naman bakit daw kailangan pang dumaan sa ganitong proseso at wish niya, na may divorce sa Pilipinas. “I mean, I know this is a maselang topic for the conservative, but I’m talking out of experience and based among the girls that I’ve spoken to. Sana magkaroon na tayo ng divorce or magkaroon ng easier process sa annulment kasi when you go through that, I’m telling you, I don’t want to go through that again,” reaction niya kahapon sa isang tsikahan.

Nag-uusap na sila ng dating asawang si Yilmaz kaya wala na silang problema.

* * *

Pinagsama-sama na ni Jaime Rivera sa isang album ang mga kanta niyang naririnig natin sa simbahan – Inspirations – ang kanyang latest album from Star Records.

Yup, mga kantang nagpapaalala ng ating pagmamahal sa Diyos na tamang-tama ngayong panahon na ang daming nangyayaring gulo sa kapaligiran, isama pa ang kalamidad sa mundo.

Mula sa pagiging isang teenage sentimental pop singer hanggang makilala sa international scene via Miss Saigon, mas kilala siya ngayon bilang Inspirational Diva ng bansa.

Nakaukit na ang kanyang pangalan pagdating sa mga kantang may high inspirational value.

Relihiyosa ba siya sa totoong buhay?

“My faith is an integral part of my life. Kaya now that I am given the chance to share and spread it through my music, I am very grateful,” sabi niya.

At lumaki talaga raw siya sa Catholic Doctrine.

Every Sunday nagsisimba siya at everyday nagro-rosary.

Pero hindi naman daw maiiwasan na may pagkakataong umiinit din ang ulo niya.

Ini-endorso ni Socrates Villegas (chairman, Episcopal Commission for Catechesis and Catholic Education) ang bagong album ni Jaime na naglalaman ng 18 tracks – Jubilee Song, Heal Our Land, Only Selfless Love, Tanging Yaman, Hesus Hilumin Mo, Sa ‘Yo Lamang, Purpose Driven Life, Sino Ako, Panalangin Ng Bukas Palad, Awit Sa Ina ng Sto. Rosario, I Offer My Life, Pananagutan, Tell The World of His Love, My Live I In Your Hands, Letting Go, The Mission, Salve Regine at Stella Maris.

Dahil pawang inspirational ang kanyang mga kanta, hindi bumibirit si Jaime kaya madaling sabayan.

vuukle comment

AWIT SA INA

CATECHESIS AND CATHOLIC EDUCATION

CATHOLIC DOCTRINE

DRIVEN LIFE

EPISCOPAL COMMISSION

EVERY SUNDAY

I HEART YOU PARE

REGINE VELASQUEZ

YILMAZ BEKTAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with