^

PSN Showbiz

Ayaw mag-showbiz: Anak ni Lotlot Bb. Pilipinas ang target

- Veronica R. Samio -

Si Sen. Panfilo Lacson mismo ang nagkumpirma na hiwalay na ang kanyang anak na si Pamfi sa aktres na si Jodi Sta. Maria. Bagama’t matagal na ang isyung ito, at tanggap na ng lahat ang pag­hihiwalay ng mag-asawa, walang direktang kumpirmasyon na nagmula sa dalawa lalo na kay Jodi.

Tinanggap ng lahat na bunga ito ng pagkakaroon ng mga endorsements ni Jodi na nagbabawal sa kanyang masangkot sa anumang iskandalo.

With the senator’s confirmation, hindi na makapagkakaila si Jodi. Now she has to come out in the open para maipagtanggol ang kanyang sarili at maging ang kanyang marriage.

***

Lahat nang nakasaksi ng gra­duation ng anak nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher from college na si Janine Gutierrez ay nagkakaisa na puwedeng-puwede nitong sundan ang yapak ng kan­yang mga magulang at ibang mga kamag-anak sa showbiz. Pu­we­de itong mag-artista dahil bukod sa napakaganda ay may height pa. Pero wala sa pag-aartista ang puso ni Janine kundi nasa Bini-bining Pilipinas. Hindi man ngayon pero baka next year ay sumali siya sa napaka-prestihiyosong beauty contest.

Panganay na anak nina Lotlot at Ramon Christopher si Janine na lumaki sa kandili ng kanyang ama, silang apat na magkakapatid. Pero hindi ito dahilan para lumayo ang loob nilang magkakapatid sa kanilang ina. Kahit nagkahiwalay, nanatili naman ang mabuting pagtitinginan ng kanilang mga magulang para sa kanilang kapakanan na rin.

Andun si Lotlot sa graduation ni Janine sa Ateneo sa kursong foreign studies kaya naging masaya ang okasyon para sa kanilang lahat.

***

Nakita ko’t nakausap ang isa sa mga miyembro ng mabilis na sumisikat na XLR8 na si Hideaki Sato nang puntahan ko sa kanyang radio program para kamustahin si German Moreno matapos itong sumailalim sa isang executive check up sa St. Luke’s.

Okay naman ang Master Showman, kailangan lamang bawasan at limitahan sa pagkain. Ito ang nagbibigay sa kanya ng malaking depresyon dahil mahilig siyang kumain. Pero dahil sa gusto rin ni­yang ma-extend pa ng mahabang panahon ang kanyang buhay kung kaya wala siyang choice kundi ang sumunod sa utos ng kanyang mga doktor.

Puwedeng-puwede nang mag-retire si Kuya Germs sa showbiz pero ang kagustuhang makatulong pa sa mga maraming gustong maging artista, ang dahilan kaya nanatili siya at ito ang nagbibigay ng kakumpletuhan sa kanyang buhay artista.

***

Sa Walang Tulugan with Master Showman nadiskubre ng Viva ang Japanese teener. Bago sa XLR8 nakasama ito sa grupong Teenstars. Hindi pa ito marunong mag-Ingles o mag-Tagalog nun pero ngayon nakapagsasalita na ito ng bukod sa nakalakihan niyang Japanese language.

Kumakanta rin ito at nagsasayaw kaya madaling nakasama sa XLR8. Pero sa kabila ng pagiging miyembro niya rito ay hindi niya iniiwan ang Walang Tulugan, at maging si Kuya Germs din. ’

Yun nga lang dahil ang Viva na ang nagma-manage ng kanyang career kung kaya habang hindi pa sinisimulan ang seryeng Bagets sa TV5 na kung saan ay regular siyang makakasama sa cast ay patuloy siyang mapapanood sa Walang Tulugan tuwing Sabado at kung Lunes ay co-host naman siya ni Kuya Germs sa radio program nito.

 Samantala, may concert sa Aliw Theater ang XLR8 sa April 1, 8:00 p.m. na pinamagatang P-Pop Explosion. Patutunayan ng tinitiliang grupo na may K silang sumikat dahil bukod sa group production numbers nila ay magpapakita isa-isa ng kanilang talent.

Nalulungkot lang sila dahil hindi makakapunta si Kuya Germs dahil nakasabay ito sa taping ng Walang Tulugan.

vuukle comment

JANINE

JODI

KANYANG

KUYA GERMS

LOTLOT

MASTER SHOWMAN

PERO

RAMON CHRISTOPHER

WALANG TULUGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with