^

PSN Showbiz

This is the Life! sa GMA LIFE TV kasama ang La Diva

- TV UPDATE -

MANILA, Philippines - “It’s a new beginning, a new life that is worth living.” Ito ang mensahe ng bagong theme song ng GMA Life TV, ang nag-iisang international Filipino lifestyle channel at pangalawang international channel ng GMA Network.

Pinamagatang This is the Life, ang theme song ay tungkol sa mas exciting na programming na dapat abangan ng Pinoy viewers sa ibang bansa mula sa GMA Life TV.

Ika nga sa kanta, “Every day gets brighter. It can only get better!” At walang iba kung hindi ang pinakamainit na female vocal group ngayon sa bansa ang magbibigay boses dito – ang La Diva!

“Masaya kami na kami ang magbibigay buhay sa bagong theme song ng GMA Life TV,” kuwento ni Aicelle Santos.

Dagdag pa ni Jonalyn Viray, “Nakakataba ng puso na sa rami ng multi-talented Kapuso artists ay kami ang napili ng Life TV.”

“Ngayon palang ay excited na kami dahil mariri­nig ito ng mga Kapuso natin sa buong mundo!” dugtong pa ni Maricris Garcia.

At sigurado nga namang makikilala agad ng mga Pinoy sa abroad ang boses nila dahil sa ilang beses na ring nagkaro’n ng concert sa ibang bansa ang grupo. Noong December lang, sa tulong ng GMA Pinoy TV, pinasaya ng La Diva ang mga Pinoy sa Dubai sa pamamagitan ng concert nila sa World Culture Stage sa Global Village.

“Ang dami-daming Pinoy! Naramdaman namin na miss na nila ang Pilipinas. Para kasing mas matagal pa ‘yung picture taking kaysa sa show!” magkakasabay na kuwento ng La Diva.

“Embrace life, celebrate life, live life on GMA Life TV!” Maririnig ang This is the Life na nabuo sa pangunguna nina Caca Ko (Lyricist), Simon Peter Tan (Musical Arranger), at Sushi Reyes (Vocal Arranger) sa pagsisimula ng bagong programming ng GMA LIFE TV.

vuukle comment

AICELLE SANTOS

CACA KO

GLOBAL VILLAGE

GMA

JONALYN VIRAY

KAPUSO

LA DIVA

LIFE

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with