^

PSN Showbiz

Luis hindi nahiyang magpakita ng puwet!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Masaya ang pelikulang Who’s That Girl? starring Anne Curtis, Eu­gene Domingo and Luis Manzano na nagkaroon ng premiere night last Monday night.

Nakakatawa ang maraming ek­sena nilang tatlo. At hindi nagpatalbog sina Luis at Anne sa galing ni Eugene.

Hindi rin mukhang minadali ang movie at maraming mga kakaibang eksena na first time ginawa ni Anne and Luis sa naturang pelikula.

Merong isang eksena na sumakay si Anne sa parang service na kahoy na elevator (ewan kung anong tawag doon) at sumampa sa crane na ginagamit sa isang construction site. Mataas-taas din ang inakyat ng nasabing ‘elevator’ at ang sinampahan niyang crane na parang nakakatakot at may eksenang muntik pa siyang mahulog.

Si Luis naman, hindi lang basta nag-topless. Well panoorin n’yo dahil talagang nagpakita siya ng puwet.

Parang wala ring effort ang mga nakakaaliw na confrontation scene nina Anne at Eugene sa pelikula dahil may ilang drama moment pero matatawa ka pa rin.

‘Maling akala’ ang pinaka-main subject ng pelikula.

Napagkamalang kabit si Anne ng tatay ni Luis na namatay na asawa ni Eugene. Nang hanapin nila si Anne para paghigantihan, na-in love sa kanya si Luis at doon na magkakaroon ng matinding mga nakakatawang eksena ang pelikula na Graded B ng Cinema Evaluation Board (CEB).

Magsisimulang ipalabas sa mga sinehan ang Who’s That Girl? ngayong araw.

Ang Viva Films at SMDC ang producer ng pelikula.

Nasa audience daw si Gov. Vilma Santos during the premiere night, pero hindi na namin siya nakita.

Miss Universe na

kinoronahan sa ’Pinas namatay na

Maraming nalungkot nang mabalitaan nilang namatay na ang 1974 Miss Universe na si Amparo Muñoz sa edad na 56.

Kilala si Amparo Muñoz ng maraming Pinoy na isang Española dahil dito siya sa bansa kinoronahang Miss Universe at siya raw ang kauna-unahang Spaniard na nanalo sa nasabing beauty pageant.

PINOY BIG BROTHER, MAGBABALIK NGAYONG 2011!

Sisimulan na ang paghahanap sa bagong housemates ng Pinoy Big Brother (PBB) sa mu­ling pagbubukas ng Bahay ni Kuya ngayong 2011.

Mahigit isang taon na pagkatapos koronahan si Melai Cantiveros bilang Big Winner, tinatawagan muli ng PBB ang mga babae at lalaking nasa edad 18 to 35 years old para sumabak sa auditions ngayong Bi­yernes (March 4), 8:00 a.m. hanggang 3:00 p.m. sa  SM Mall of Asia.

Bring lang kayo ng Valid ID (SSS, school ID, driver’s license, TIN, Passport), mag-parehistro para sa audition sa Planetarium Parking ng SM MOA.

Para sa announcement ng mga susunod na audition, watch lang sa ABS-CBN o sundan ang Pinoy Big Brother Season 4 sa Twitter at i-search lang ang OfficialPBB4.

vuukle comment

AMPARO MU

ANG VIVA FILMS

ANNE

ANNE AND LUIS

ANNE CURTIS

BIG WINNER

CINEMA EVALUATION BOARD

LUIS

MISS UNIVERSE

THAT GIRL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with