^

PSN Showbiz

John Lloyd tinuruang humawak ng pera ni Angel

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Mas mabangis ang magiging kuwento ng Season 2 ng Imortal tampok sina Angel Locsin at John Lloyd Cruz. Sa presscon ng Imortal, sinabi ni Direk Jerry Si­neneng na matindi pa ang labanang pangil sa pangil.

Tinanong ang dalawang bida kung ano ang magagandang katangian ng bawat isa na natuklasan habang nagteteyping ng Imortal.

Sabi ni John Lloyd, “Marami akong natutunan kay Angel. Totoo, galante siya pero masinop sa kabuhayan. Tinuruan niya akong mabuti sa wastong paghawak ng pera. Maalaga rin siya at napaka-propesyonal.”

Say naman ni Angel, “Humanga ako kay John Lloyd dahil close siya sa pamil­ya at pinahahalagahan niya ang pagmamahal sa kanila.”

Kahit inaantok na sa matinding pagod, nakatutok pa rin ang aktres sa mga fight scenes. Patuloy pa rin silang nagte-training ni John Lloyd para sa mga pisikal na bakbakan.

Reporter nangangarap na mag-ala Cherrie Gil

Natupad ang pangarap ng TV host-reporter na si Luane Dy ng Unang Hirit na kasama sa inaabangan na I Heart U Pare bilang si Nikki, ang babaeng iibig kina Dingdong Dantes at Ian Veneracion.

Kahit character role ang mga gagampanan niya ay okay naman sa kanya dahil masungit ang kanyang mukha at ang first impression sa kanya ay suplada.

Enjoy si Luane sa pag-aartista kahit halos wala ng tulog mula sa taping at didiretso na sa Unang Hirit na nagsisimula ng 5:30 a.m. sa GMA 7. Pangarap niyang maging ala-Cherrie Gil kaya seryoso sa pag-aartista. Malaking tulong ang workshop handled by Direk Joel Lamangan.

Kumusta namang makatrabaho ang bida niyang si Regine Velasquez?

Sabi ni Luane, “Sobrang bait niya at napaka-down-to-earth. Kahit big star ay ’di ka mangingiming lapitan siya.”

Magsisimula ang I Heart You Pare sa Feb. 9 sa GMA Pinoy TV.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

CHERRIE GIL

DINGDONG DANTES

DIREK JERRY SI

DIREK JOEL LAMANGAN

I HEART U PARE

IMORTAL

JOHN LLOYD

KAHIT

UNANG HIRIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with