^

PSN Showbiz

Puso ng Pasko Artista Challenge, Finale ngayong Biyernes

- TV UPDATE -

MANILA, Philippines - Tapatang Cesar Montano at Sunshine Cruz vs. Raffy Tima at Mariz Umali vs. Ervic Vijandre at Heart Evangelista ngayong Biyernes, Dec. 31, sa makapigil-hiningang finale ng Puso ng Pasko Artista Challenge ng GMA 7.

Ang tatlong pares ang nanguna sa kanilang mga sariling grupo – Red, Blue at Green – pagkatapos ng sunud-sunod na challenges na hinarap ng 24 Kapuso stars para manalo ng mahigit P 5 Million in cash and prizes para sa kanilang partner family at partner community.  

Nakasama sa Red Group nina Heart at Ervic sina Bianca King at Aljur Abrenica, Rachel Ann Go at Kris Lawrence, at Jennica Garcia at Carl Guevarra.

Sa Blue Group naman, sina Sunshine at Cesar, Ynna Asistio at Mark Herras, Kris Bernal at Rocco Nacino, at Fabio Ide at Gwen Zamora. Bumida naman sa Green Group sina Raffy at Mariz kasama sina Carla Abellana at Geoff Eigenmann, Paolo Contis at Sam Pinto, at Bubbles Paraiso at Benjie Paras.

Cash at mga prizes tulad ng motorcycles, scholarships, Kabuhayan Showcase na nagkakahalaga ng P150,000 at libu-libong mga regalo para sa isang buong komunidad ang naipamigay na sa pinakamalaki, pinaka-exciting at pinaka-nakakataba ng pusong paraan para magpasalamat sa mga taong marami nang natulungan.

Kabilang sa mga partner families at communities sina Teresa Martinez at ang kanyang pamilya at komunidad sa San Jose Montalban Rizal na nagwagi na ng P100,000 at isang STI scholarship (para sa partner family), at 1,000 pares ng sapatos (para sa partner community) sa tulong ng celebrity challen­g­ers na sina Aljur Abrenica at Bianca King; pamilya at komunidad ni Jonathan Manaois ng Banaba, San Mateo Rizal na nanalo ng P100,000 isang motorcycle (partner family), at 100 bikes (partner community) sa tulong nina celebrity challengers Carl Guevarra at Jennica Garcia; at pamilya at komunidad ni Alex Jesus Bautista na taga-Joan of Arc, Gulod, Novaliches Quezon City na nanalo na ng P100,000 at P150,000-worth ng Kabuhayan Showcase (partner family), at 500 half-sacks of rice (partner community) sa tulong nila Ervic at Heart.

Nanalo na rin ang pamilya at komunidad ni Violeta Guevarra ng Purok 4, Zone 8, Cupang, Antipolo City na tumanggap ng P100,000 at isang STI scholarship (partner family), at 1,000 pares ng sapatos (partner community) sa tulong nina celebrity challengers Raffy Tima at Mariz Umali; at ang pamilya at komunidad ni Tess Carolino ng Talipapa, Novaliches Q.C. na nagwagi ng P100,000 at isang motorcycle (partner family), at 100 bikes (partner community) sa tulong nina celebrity challengers Mike Tan at Sam Pinto.

Pinili ng mga celebrity challengers ang kanilang partner families mula sa daan-daang entries na binubuo ng mga “most deserving” families, o ‘yung mga pamilyang nakatulong ng malaki sa kanilang komunidad.

 Cesar-Sunshine vs. Raffy-Mariz vs. Ervic-Heart Evangelista. Aling celebrity pair ang magwawagi sa Final Challenge para sa kanilang partner family and community? Huwag palalampasin ang finale kasama ang hosts na sina Vicky Morales at Richard Gutierrez, at challenge hosts na sina Rhian Ramos at Drew Arellano -- ngayong Biyernes, Dec. 31, pagkatapos ng Beauty Queen, sa GMA Telebabad.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

BIANCA KING

CARL GUEVARRA

JENNICA GARCIA

KABUHAYAN SHOWCASE

MARIZ UMALI

PARTNER

RAFFY TIMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with