^

PSN Showbiz

Andi sobrang hyper!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Ibinalita ni Pia Guanio sa Showbiz Central last Sunday na sina Rhian Ramos at Drew Arellano ang hosts ng Puso ng Pasko, ang reality-Krismaserye ng GMA 7. Originally sina Drew at Iya Villania ang hosts nito, kaso hindi natuloy lumipat si Iya at muntik din daw malaglag si Drew, pero mabuti at na-retain.

Kasunod na ibinalita ni Pia na kasali rin si Ri­chard Gutierrez, pero hindi si Solenn Heussaff ang kapareha, kundi si Vicky Morales. Hindi pa nagti-taping ang dalawa at feeling namin, hindi sila mahihirapan sa challenges dahil pareho silang sanay sa mga ganito.

Nakausap pala namin sandali si Drew sa launching ng fragrance ni Sharon Cuneta dahil siya ang host. Muntik na nga raw lumipat sa GMA 7 si Iya, nabulilyaso lang dahil sabi ni Drew, “Gusto pa siya ng ABS-CBN.”  

*    *    *

Sobrang hyper lang siguro si Andi Eigenmann sa presscon ng Shake, Rattle & Roll XII, kaya ang bilis-bilis magsalita at ‘di masyadong naintindihan ng press. Medyo na-off din ang mga reporter na Topel lang ang tawag ng aktres sa director niyang si Topel Lee at dahil paulit-ulit na ganun ang tawag niya, ibig sabihin, ‘di ito nagkamali the first time.

Bida si Andi sa Isla Engkanto episode sa direction ni Topel at kuwento nito, she was looking forward na maging part ng SR&R noong una niyang pasok sa showbiz. Hindi siya na-disappoint dahil maganda ang natoka sa kanyang istorya at sabi nito : “Nag-enjoy kami ni Topel sa shoot, sobrang light at para lang ka­ming naglalaro sa shooting.”

Anyway, looking forward si Andi sa Paskong darating dahil may pambili na siya ng regalo sa dalawa niyang pamilya (her mom and her dad). Darating din ang mga pinsan niya, kaya masaya siya kahit wala siyang boyfriend.

Inamin ni Andi na may type siyang guy, pero hindi pa niya BF. Ito kaya ‘yung binabati niya sa Twitter na may initial na JE?

*    *    *

May tsismis na isang Kapamilya actor ang lilipat sa GMA 7 dahil gusto raw mapasama sa epic serye ni Marian Rivera. In fact, nag-audition daw ang actor at nakipag-meeting na ang manager nito sa management ng GMA Network.

Mahirap paniwalaan na gugustuhin ng actor na ito na lumipat sa Channel 7 for the epic serye na as of today, Amaya na lang daw ang title, dahil hindi siya nawawalan ng project sa ABS-CBN at sunud-sunod pa nga ang projects niya at sa malalaking artista pa ng network itinatambal.

Saka ang alam namin, may kontrata sa ABS-CBN ang actor at hindi siya papayagang gumawa sa GMA 7 kahit one project lang. Hindi rin maganda kung after one project sa GMA 7, babalik siya sa ABS-CBN.

*    *    *

Sa Beauty Queen, tanggap na sana ni Marc (TJ Trinidad) na wala na si Maita (Iza Calzado), pero nakatanggap ito ng tawag na may isang survivor ng plane crash na nakita sa isang isla. Pupunta siya sa site ng aksidente, kaso may kumuha na raw sa babae.

vuukle comment

ANDI

ANDI EIGENMANN

DAHIL

ISLA ENGKANTO

IYA

IYA VILLANIA

SIYA

TOPEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with