^

PSN Showbiz

Kasalan bago mag-Pasko, magkakasunod!

RATED A - Aster Amoyo -

I stand corrected, Salve A!  Gusto kong humingi ng paumanhin sa dating beauty queen na si Bb. Vida Doria at sa kanyang pamilya at mga kaibigan dahil Vida Doria ang aking naisulat sa halip na Vida Verde sa aking column nung nakaraang September 23, 2010 dito.  Ang kuwento ng dating sexy star na si Vida Verde ang aking napanood sa Rated K ni Ms. Korina Sanchez at talaga namang nakakaantig ng puso ang kanyang pinagdaanan at patuloy na pinagdaraanan hanggang ngayon dahil hindi pa rin siya tuluyang magaling sa kanyang karamdaman at nangangailangan siya ng financial help mula sa mga taong may mabubuting kalooban. Pero sa kabila ng lahat, nananatiling positibo ang pananaw sa buhay ni Vida Verde at mas malapit siya ngayon sa Diyos kumpara noon. ?Again, my sincere apologies kay Bb. Vida Doria.?

* * *

Alam mo, Salve A, magiging sunud-sunod ang kasalan na mangyayari bago magtapos ang taong kasalukuyan hanggang sa susunod na taon. Nagpakasal na noong August 19 sa India sina Robin Padilla at Mariel Rodriguez at balak nila itong sundan ng isang engrandeng kasal sa simbahang Katoliko sa araw mismo ng Pasko (December 25). Sa buwan din ng December (22?) nakatakdang idaos ang beach-wedding nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid.

Beach wedding din para sa magkasintahang John Estrada at Priscilla Meirelles sa February 26, 2011 na gaganapin sa La Union.

Mukhang inilalatag na rin ang planong pagpapakasal nina Lara Quigaman at Marco Alcaraz.

Maging ang actor-turned politician na si Alfred Vargas ay handa na rin para sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Yasmine Espiritu. Nagpunta na sa Italy si Alfred para mamanhikan.

vuukle comment

ALFRED VARGAS

JOHN ESTRADA

KORINA SANCHEZ

LA UNION

LARA QUIGAMAN

MARCO ALCARAZ

MARIEL RODRIGUEZ

SALVE A

VIDA DORIA

VIDA VERDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with