^

PSN Showbiz

Kapwa minor ang nangidnap? Kinidnap na menor de edad, apo ni Eddie Garcia

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Hindi nag-crumble ang mundo ni Bela Padilla noong Martes nang magharap sila ni Marian Rivera sa opisina ni Mama Wilma Galvante, ang GMA 7 executive na gumawa ng paraaan na magkasundo ang dalawa.

Hindi nagpainterbyu sina Marian at Bela sa mga TV reporter na naghintay sa paglabas nila mula sa opisina ni Mama Wilma at ito na lang ang nagsalita. Naglabas din ng official statement ang GMA 7 para mahinto na ang sari-saring balita.

Dahil magkasundo na sina Marian at Bela, hihinto na siguro ang fans ni Marian sa pagpapadala ng mga e-mail sa mga reporter. Imbyernang-imbyerna ang fans ni Marian kay Bela. Kung tahimik si Marian tungkol sa isyu, bayolente ang reaksiyon ng kanyang mga supporter.

* * *

May mga nagpadala sa akin ng e-mail tungkol kay Art Bell, ang American radio talk show host na nang-insulto raw sa ating lahi.

May correction please ako sa readers na hindi updated. Lumang-luma na ang isyu tungkol kay Art as in year 2001 pa ito. Nag-deny na noon si Art at nagbanta na magdedemanda kapag hindi binawi ng isang broadsheet (hindi ang Philippine Star ) ang maling report.

* * *

Apo ni Eddie Garcia ang bagets na napapabalita na kinidnap ng kanyang dyowa. JR ang name ng bagets na kilalang-kilala ko dahil maraming beses na kaming nagkita.

Thirteen years old pa lamang si JR pero malaking bulas siya. Gustong mag-artista ni JR pero pinayuhan ko siya na tapusin muna ang kanyang pag-aaral.

Nakakaintriga ang kidnapping case dahil menor de edad ang pinagbibintangan na kumidnap kay JR ang kanyang 16-year-old friend. Hindi ko pa alam ang kumpletong detalye ng kuwento dahil hindi ko pa nakakausap ang complainant, ang kontrobersiyal na madir ni JR.

* * *

Jobless ang isang TV actor dahil nag-resign siya sa kanyang regular show na napapanood tuwing weekend.

Hoping ngayon ang jobless actor na mabibigyan siya ng show sa major TV network. Paano kung hindi siya mabigyan ng trabaho? Aral sa lahat ang nangyari sa aktor. Kung walang kapalit na trabaho, huwag munang mag-resign or else, kayo ang talo.

* * *

Tumahimik na si Liezl Sicangco dahil malapit na silang magkasama ng kanyang bunsong anak na si Ali.

Babalik na ang bagets sa Australia sa Lunes. Hindi si Robin Padilla ang maghahatid kay Ali dahil hindi yata kumpleto ang travel papers ni Robin.

Ipagpapatuloy ni Ali sa Australia ang kanyang pag-aaral. Maiiwan sa Pilipinas ang kanyang mga kapatid na sina Queenie at Kylie na parehong nag-aartista. Mas gusto nina Queenie at Kylie na manirahan sa Pilipinas.

vuukle comment

ALI

ART BELL

BELA PADILLA

DAHIL

EDDIE GARCIA

KANYANG

LIEZL SICANGCO

MAMA WILMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with