^

PSN Showbiz

Sexy actress na binubugbog ng mayamang asawa magsasalita na!

- Veronica R. Samio -

Suwerte ng GMA 7 dahil bumalik sa kanilang poder si Edu Manzano, magho-host ng Asar Talo, La­hat Panalo, isang original concept na magpa­pa­saya sa lahat.

Mapapanood ito simula September 18, Lunes bago mag-Eat Bulaga.

Marami ang nasorpresa dahil akala ng lahat ay hindi na babalikan ni Edu ang telebisyon maka­raan ang eleksiyon. Sinabi niya ito nang “Hindi ko sinabi na hindi na ako babalik ng TV. Ayaw ko lang na sasayaw pa ako. I’m turning 55 soon and I have to grow. Nung 2004, sinabi kong ‘di ko na babalikan ang paggawa ng pelikula at ma­ging ang paglabas sa teleserye at tinupad ko naman.

“Nang iprisinta sa akin ng GMA ang Asar… nagan­dahan ako, curious din ako na makita kung paano nila gagawing isang laro ang ugaling ito ng mga Pili­pino,” paliwanag ng comebacking game show host na bago naging Kapamilya ay napa­nood bilang isang Kapu­so - napanood siya sa Late Night with Edu, Emer­gen­cy at Unang Hirit. Bukod sa Asar Talo, Lahat Panalo, meron ding gagawing talk show si Edu bilang bagong Kapuso.

*    *    *

Sinabi ni Sharon Cuneta sa launch ng kanyang Triple­Mega Treat na minsan na rin siyang nag-audition. “Minsan lang at hindi ko na inulit. Mga 7 or 8 years old lang ako nun, at may pa-audition para sa isang pelikula ni Tito Dolphy, sumali ako pero ni-reject ako ni late direk Chaning Carlos dahil matangkad daw ako. Masuwerte ako dahil hindi ko na kina­ila­ngang dumaan sa klase ng mga reality singing contest na ginaganap ngayon, hindi ko talaga kakayanin,” pag-amin niya.

Inamin ni Mega na nag-iisip na rin siyang mag-retire pero tuwing babalakin niya ito ay may mga du­ma­rating na projects na sa kagandahan ay hindi niya matanggihan. Tulad ng Madrasta nun at ang Care­giver.

“Ngayon na namang nagbalak ako, eto, hindi lang isa kundi tatlu-tatlo pa ang dumating.

“Nag-iba na ang priorities ko, hindi na ako enjoy na mawalay sa pamilya ko. Hindi na rin ako 25, ‘yung mga dating madadaling gawin nun ay nahihirapan na akong gawin nga­yon. Hindi na rin ang paghaha­nap-buhay ang mahalaga sa akin nga­yon, at the end of the day I’d like to do things for other people. Ang hindi lang siguro nagbabago o naba­bawa­san ay ang aking love for singing,” dagdag pa ni Mega na umaming kakaririn niya ang pagiging mentor ng 12 babae na maglalaban sa unang season ng Starpower, isa sa kanyang tatlong programa sa Dos.

“I will not ruin someone’s spirit for the sake of ratings. Hindi ako ganun,” pangako niya.

*    *    *

Tinuldukan na ng Pop Princess na si Sarah Geronimo ang kuma­kalat na balitang paglipat niya sa ibang istasyon sa pamamagitan ng pag-renew ng kontrata sa ABS-CBN.

“Regarding this issue, wala po akong alam. May mga nagsabi lang po sa akin na ibang tao. Pero ang pagpirma kong muli sa Kapamilya network ang magka-klaro ng issue,” pahayag ni Sarah. Samantala, mukhang ang kinakikiligan ng mga manonood sa Idol ay ang pagtatambal nila ni Coco Martin. Nung una kasi, ang inaasahan ng lahat na makakagiliwan ng manonood ay ang tandem nila ni Sam Milby, hindi pala. 

*    *    *

Gusto kong hulaan ang identity ng isang sexy actress na nakaambang iwan ang kanyang asawa dahil binubugbog diumano siya. Hindi na siya mapipigil pa ng karangyaang tinatamasa niya sa piling ng asawa dahil mas nakakalamang daw ang sakit ng katawan niya pagkatapos siyang bugbugin ni mister.

Paano ba naman niya mai-enjoy ang sarap ng bu­hay kung palaging masakit ang katawan niya? Oo nga naman.

Hindi kayo maniniwala kapag ibinunyag ng Showbiz Central ang katauhan niya.

May update rin kay Mark Herras ang SC, tu­luyan na ba niyang iiwan ang kanyang pag-aartista para mas mapangalagaan ang kalusugan niya?

Abangan ang sagot mamayang hapon sa GMA.

vuukle comment

AKO

ASAR TALO

CHANING CARLOS

COCO MARTIN

EAT BULAGA

EDU

NIYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with