^

PSN Showbiz

Chin Chin nasunugan na naman ng bahay

- SEEN SCENE -

Seen : Wala si Chin Chin Gutierrez sa kanyang bahay sa Quezon City nang masunog ito sa pangalawang pagkakataon. Nakaligtas sa sunog ang mga kasambahay ni Chin Chin. Nasunog na noong 2006 ang bahay ng aktres.

Scene : Kahapon ang birthday ni Jim Paredes at siya ang unang nakapansin na nasusunog ang bahay ni Chin Chin Gutierrez noong Lunes ng madaling-araw. Magkapitbahay sina Chin Chin at Jim. Nagpapasalamat si Jim dahil hindi nadamay sa sunog ang kanyang bahay. Malaki ang naitulong ng mga bumbero at ng ulan.

Seen : Napagbintangan na gumigimik si Krissa Mae Arrieta aka Krista Kleiner dahil may TV coverage ang pagpunta niya sa Quirino Grandstand at pag-aalay ng bulaklak para sa mga Chinese hostage victim. Tinalbugan ni Krista sa pag-iyak ang mga kamag-anak ng hostage victims.

Scene : Showbiz na showbiz na ang attitude ni Moi, ang yaya ni Piolo Pascual na kasali sa Survivor Philippines : Celebrity Showdown. May tendency si Moi na malunod sa isang basong tubig.

Seen : Si Venus Raj ang guest kahapon sa taping ng Show Me Da Manny. Wala si Manny Pacquiao dahil lumipad ito sa Amerika noong Lunes para sa promo tour ng November fight nila ni Antonio Margarito.

Scene : Parehong nasa GMA 7 compound kahapon sina Marian Rivera at Bela Padilla. May taping si Marian ng Show Me Da Manny habang nasa kabilang kuwarto si Bela Padilla at nagpapainterbyu sa mga reporter. Lumalaki ang isyu na pinagseselosan ni Marian si Bela.

vuukle comment

ANTONIO MARGARITO

BELA PADILLA

CELEBRITY SHOWDOWN

CHIN

CHIN CHIN

CHIN CHIN GUTIERREZ

JIM PAREDES

KRISSA MAE ARRIETA

KRISTA KLEINER

SHOW ME DA MANNY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with