^

PSN Showbiz

Gown ni Regine na worth $30K, sinagot ni Dra. Belo

- TALONG ANONYMOUS -

TRUE : Umabot daw ng mahigit isang milyong piso ang halaga ng wedding gown ni Regine Ve­lasquez na gagawin ni Monique Lhuiller.

Tutulak patungong Amerika si Regine kasama si Dra. Vicki Belo para samahan itong magpa­gawa ng gown sa pamosong designer.

Ayon sa aming source, ang worth 30 thousand US dollars na wedding gown na gagawin ni Mo­nique ang magiging bale regalo na ni Dra. Belo kay Regine.

Balak na rin ni Dra. Belo na doon magpagawa ng gown na isusuot sa kasal at pati na rin daw ang gagamitin ni Cacai Mitra.

TANONG : Totoo kayang parang nabunutan ng tinik ang mga staff ng Sweetlife nang tanggalin na si Wilma Doesnt sa naturang programa?

Matagal na raw nilang pinagtiisan ang kamal­ditahan ni Wilma lalo na’t lagi raw nitong kinu­kumpara ang mga gamit sa lumang studio sa GMA 7 sa mga bagong gamit nila sa TV5.

Minsan ay pinu-promote pa raw nito sa Sweetlife ang show niya sa TV5 na napanood mis­mo ng ilang executives kaya napagdesis­yunang tanggalin na lang siya.

Si Iza Calzado na ang ipinalit sa kanya at nagsimula na itong nag-taping kahapon.

TOTOO KAYANG may problema sa divorce paper nina Liezel Sicangco at Robin Padilla na kailangang ayusin dito ng una?

Hindi pa maikuwento ni Liezel ang totoong prob­lema pero isa raw ito sa ibubunyag niya kung saka­ling lumala ang gulo nila ni Robin.

Legally speaking, hindi pa raw pala annulled ang kasal nilang dalawa, kaya malaking problema itong hinaharap niya dahil nagpakasal na si Liezel sa isang New Zealander na matagal na rin niyang karelasyon.

Isa raw ito sa mga ebidensiyang ilalabas ni Liezel kapag lumalala pa ang gulo nila ng dating asawa.

TSIKA LANG : Dumating na si Richard Gutier­rez kamakalawa ng gabi galing Thailand kung saan kinunan ang Celebrity Edition ng Survivor Philippines.

Hirap na hirap ang mga staff ng Survivor dahil kasabay ni Richard na dumating ang sampung na­ti­rang castaway.

Itinago muna nila ang mga ito habang ini-interview si Richard sa arrival area at pagkatapos ay saka pa lang sila inilabas at isinakay sa van.

Pero napansin naming may tatlong kotseng naka­abang na may ID na castaway 1, castaway 2 at castaway 3. Tatlong finalists kaya ang naiwan na kung saan pagbobotohan ng mga jury kung sino ang Celebrity Ultimate Survivor?

vuukle comment

BELO

CACAI MITRA

CELEBRITY EDITION

CELEBRITY ULTIMATE SURVIVOR

DRA

IZA CALZADO

LIEZEL

LIEZEL SICANGCO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with