^

PSN Showbiz

P300 million ni Kris paghahatian nila ni James?

- Ni SVA -

MANILA, Philippines - Ang laki pala ng perang paghahatian nina James Yap at Kris Aquino. Ayon sa report, idineklara ni Kris na sa loob ng halos limang taon, 300 million ang kinita ng aktres habang ang basketbolista ay kumita ng P20 million.

May isang ‘feeling lawyer’ ang nagsabi na ito ang nakikita niyang rason kaya pinadi-deklarang null and void ng kampo ni Kris ang kasal nila ni James.

Kasi raw, kung null and void puwede pang makuha ni Kris ang pera niya at hindi nila paghahatian pero kung mapapatunayang kasal sila, natural hati na agad sila ng ex hubby niya. As in magiging 50/50 ang hatian na natural ay mas malaki ang mapupunta kay James dahil 20 million lang siya eh si Kris sa 300 million - malaki rin ang magiging share niya.

Saka meron daw batas tungkol dito.

Teka makapagbasa nga ng batas.

Nakakalulang halaga ito.

* * *

Palaban at ayaw paawat sa pakikipagpatalbugan sa mahigit 80 kandidata mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe na si Venus Raj.

Agaw eksena ang 22 anyos na Bicolana sa ginanap na National Costume show sa Mandalay Bay Resort and Casino kamakailan kung saan inirampa niya ang kanyang black and white Filipiniana na gawa ng Colombian designer na si Alfredo Barraza.

Sa kuwento ni Dyan Castillejo sa TV Patrol, kapansin-pansin ang excitement na nadarama ni Venus lalo pa’t maraming Pilipino sa Las Vegas ang pumapalakpak at sumusuporta sa kanya. Maging ang Chairman ng Binibining Pilipinas Charities na si Stella Marquez Araneta ay todo suporta sa kanya sa kabila ng naging kontrobersiya sa kanyang citizenship.

“I think she did very well. I am getting comments from other countries and they said we have a terrific and strong candidate,” sabi ni Araneta.

Namayagpag din ang kontrobersiyal na beauty queen sa iba pang activities ng Miss Universe tulad ng isinagawang photo op sa sikat na Welcome to Las Vegas sign suot ang kani-kanilang bikinis; media tour sa Los Angeles; at auction para sa Nevada Cancer institute kung saan ipina-bid ni Venus ang isang eleganteng pearl necklace at autographed boxing gloves ni Manny Pacquiao.

Mas umiinit na nga ang kumpetisyon lalo pa’t magaganap na ang inaabangang coronation night sa Martes (Aug 24). Ngayon pa lang ay excited na ang sambayanan sa magiging kapalaran ni Venus sa kumpetisyon.

Maibalik na kaya niya ang korona sa Pilipinas? Siya na nga kaya ang hihiranging Miss Universe para sa taong ito?

Para sa mga karagdagang updates, watch sa mga ulat ni Dyan Castillejo na mapapanood sa TV Patrol at Bandila sa ABS-CBN at sa News Central sa Studio 23

Well sana lang manalo siya. Masyadong mataas ang expectation ng lahat.                                                                                      

vuukle comment

ALFREDO BARRAZA

BINIBINING PILIPINAS CHARITIES

DYAN CASTILLEJO

JAMES YAP

LAS VEGAS

LEFT

MISS UNIVERSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with