^

PSN Showbiz

Kaya napapayag maging Kapuso, TF ni Edu, super bongga!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Sumagot na si Krista Ranillo sa mga ques­tions na ipinadala ko sa kanya. Kinumpirma ni Kris­ta na buntis na siya sa panganay nila ni Niño Lim at mag-aaral siya ng law sa Amerika.

Tapos ng college si Krista sa Ateneo de Manila University kaya puwedeng-puwede niyang ipagpatuloy sa California ang kanyang pag-aaral. Kung magiging lawyer si Krista, makatutulong na siya sa maraming negosyo ng kanyang mister.

Baka hindi matuloy ang plano nina Krista at Niño na umuwi ng Pilipinas dahil sa kanyang kala­gayan. Mahirap para sa isang buntis ang mag­biyahe ng malayo.

* * *

Kahapon ang contract-signing ni Edu Man­zano sa GMA 7. Si Edu ang bagong Kapuso na dating Kapamilya.

May tsismis na si Edu ang magiging host ng game show na Asar Talo. Malalaman natin ang katotohanan sa tsismis dahil maraming itatanong kay Edu ang mga reporters.

Kumandidatong vice president si Edu noong nakaraang eleksiyon. Idineklara niya sa isang press­­con na magpapahinga na siya sa showbiz pero natatandaan ko ang kanyang dialogue na pu­we­deng magbago ang desisyon kung may ma­gandang offer.

Tiyak na bongga ang offer kay Edu ng GMA 7 kaya hindi muna niya itutuloy ang plano na mag-goodbye showbiz!

* * *

Si Buboy Villar ang anak ni Eugene Domingo sa Jejemom. Bagay na bagay na mag-ina sina Buboy at Eugene dahil pareho silang smart at ma­husay ang timing sa comedy.

Hindi nawawalan si Buboy ng project sa GMA 7 kaya nakakaipon siya ng datung.

Nakabili na si Buboy ng bahay para sa kanyang ina at mga kapatid. May tsismis na may boyfriend ang madir ng bagets pero super deny ang nanay na “jejemom” din ang dating dahil sa mga burloloy niya sa katawan.

* * *

Nagpunta sa Guam ang mag-asawang Tonton Gutierrez at Glydel Mercado.

Wala pang apat na araw ang Guam trip nina Tonton at Glydel dahil umapir lang sila sa premiere showing doon ng Hating Kapatid.

Si Tonton lang ang kasali sa cast ng Hating Ka­patid pero isinama niya sa Guam si Glydel para magamit nito ang bagong issue na US visa.

* * *

Hindi pala puwedeng isnabin ang mga kamag-anak ni James Yap dahil richie rich din sila.

May mga kamag-anak si James sa abroad at may tiya siya na nakatira sa Ayala Alabang.

Tanging ang pamilya ni James ang nasa middle class bracket pero nagbago na rin ang takbo ng kanilang buhay mula nang maging sikat na bas­ketball player ang future ex-husband ni Kris Aquino.

Maganda na ang bahay na tinitirhan ngayon ng mga magulang at kapatid ni James sa Es­ca­lan­te City, Negros Occidental. May pruweba na­man na nakatira sa bagong bahay ang pamilya ni James, ang interbyu sa kanyang ina na ginanap sa tahanan nila sa Escalante City.

vuukle comment

ASAR TALO

AYALA ALABANG

BUBOY

BUBOY VILLAR

EDU

EDU MAN

ESCALANTE CITY

KRISTA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with