^

PSN Showbiz

Wala na kasing showbiz career, Brad Pitt magpi-presidente sa 2016

- Ni Mon Bernardo -

MANILA, Philippines – Napaulat na binabalak ni Brad Pitt na pumasok sa mundo ng pulitika dahil tumatamlay na ang kanyang career sa showbiz.

Nabalita rin na wala na kasing proyekto at wala nang ibang magawa ang aktor kaya iniisip niyang kumandidatong presidente sa taong 2016.

Isang Hollywood megastar si Pitt na kabilang sa mga pelikula ay Thelma and Louise, Seven, at Inglorious Basterds.

Pero ayon sa Metro, iniulat kamakailan ng Global Times na nararamdaman ni Pitt na nawawalan na siya ng showbiz career dahil wala na siyang bagong nagagawang pelikula.

Dahil dito, pinapantasya ni Pitt na palitan si US President Barrack Obama sa taong 2016.

“Wala na siyang gaanong magawa sa Hollywood. Sa tingin ni Brad, mas marami siyang magagawa sa pulitika lalo pa at maraming dinaranas na hirap ang mundo sa nagdaang mga taon,” dagdag pa ng impormante.

Tatakbo umano munang senador ang aktor at kapag naging maganda ang takbo ng kanyang political career, kakandidato siyang presidente sa 2016.

Kapag ipinagpalit ni Pitt ang Hollywood sa Washington, tiyak na First Lady na rin ang aktres na si Angelina Jolie.

vuukle comment

ANGELINA JOLIE

BRAD PITT

DAHIL

FIRST LADY

GLOBAL TIMES

INGLORIOUS BASTERDS

ISANG HOLLYWOOD

PITT

PRESIDENT BARRACK OBAMA

THELMA AND LOUISE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with