^

PSN Showbiz

Marian umiwas matanong sa pagiging 'Psychology'

-

MANILA, Philippines - Late as in super late na dumating si Marian Rivera sa victory party ng You To Me Are Everything. Humabol lang daw ang aktres nang mag-alisan na ang maraming press sa Imperial Suite the other night.

Ang narinig kong tsismis, intentional ang hindi pagdating ng maaga ni Marian para makaiwas sa kanyang boo-boo sa isang interview ng ABS-CBN na sa sobrang pagtatanggol kay Sen. Noynoy Aquino na sinusuportahan niyang presidente, imbes na psychiatrist, psychology ang nasabi niya. Ayun, pinaglalaruan siya hanggang ngayon sa mga social networking.

Baka raw kasi maungkat pa.

Actually, wala namang masama sa nangyari kay Marian. Minsan talaga, malilito ka sa taranta. Pero ‘di mo rin naman masisi ang mga naggo-goodtime sa kanya dahil hinahanapan naman talaga nila ng pintas ang actress lalo pa ngayong kumita ang pelikula nila ni Dingdong Dantes. At graduate din naman siya sa kilalang eskuwelahan kaya talagang pinaglalaruan ang sinabi ng aktres.

Anyway, inaasahang mas lalakas pa ang You To Me Are Everything dahil wala pang pasok hanggang bukas dahil sa pinakahihintay nating presidential election.

* * *

Mukhang tama ang kuwentong naibigay kay Jackie Rice sa Dear Friend ng GMA 7. Mataas ang rating ng kanyang Tisay episode na part 3 na today.

May konting sexy siya sa nasabing palabas kaya na-curious ang viewers.

Like ngayong Sunday, may drama factor ang acting ni Jackie. Magkaka-encounter siya ng unexpected situation na hindi niya maiwasan.

Ella (Tisay) finally meets face to face with Adrian (Joross Gamboa) and his father Joe (Rex Cortez). Natakot na ibubuko ni Joe sa kanyang anak ang tungkol sa alam nito kay Tisay.

Pero suwerte siya dahil Joe immediately pretends that he doesn’t know Ella. Kaya ayun, makikipag-hiwalay siya sa kanyang boyfriend para maiwasan ang sakit at konsensiya ng pagsisinungaling.

Kaya lang hindi siya tatantanan ni Adrian, pero may blackmail sa ama nito na isusumbong siya sa anak kung hindi siya (Ella) papayag na mag-one night sila.

Hmmm, sounds exciting. No wonder, nag-rate ito.

vuukle comment

ADRIAN

DEAR FRIEND

DINGDONG DANTES

ELLA

IMPERIAL SUITE

JACKIE RICE

JOROSS GAMBOA

SIYA

TISAY

YOU TO ME ARE EVERYTHING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with