^

PSN Showbiz

Ninong at Ninang ng anak nina Paolo bigatin

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Sa pre-pageant pa lang, naging obvious ang posibilidad na makukuha ni Krissa Mae ang isa sa major titles na minimithi ng marami sa Bb. Pilipinas.

Bukod sa kanya at ang miyembro ng kanyang pamilya, pinaka-masaya marahil sa kanyang pagka-panalo ang boyfriend niyang isa ring Kapuso na si JayR. Kaya lang ngayon, mas nadagdagan ng isa pang dahilan kung bakit mas mawawalan na ng panahon sa R&B singer ang kanyang beauty queen girlfriend na maisasakripisyo na rin ang kanyang trabaho sa GMA.

* * *

Congrats kay Paolo Contis at maging kay Lian Paz ng EB Babes dahil sa pagdating ng kanilang baby girl na si Xonia Aitana. Nakakailang araw pa lamang ang bata pero, may celebrity status na ito having popular stars bilang mga magulang niya. Mas lalo itong sisikat kapag nabinyagan na dahil pawang sikat ang tatayong ninong at ninang niya - Dingdong Dantes, Jinkee Pacquiao, Raymart Santiago, Direk Dominic Zapata at marami pang iba.

Mabuti naman at sa ganito nauwi ang relasyon nina Paolo at Lian. Nagkaroon din kasi ng panahon na nalagay sa alanganin ang relasyon nila. Mabuti naman at naisalba nila. Sana tuluy-tuloy na sila.

Babalik ba si Lian sa pagsasayaw niya? 

vuukle comment

BABALIK

DINGDONG DANTES

DOMINIC ZAPATA

JINKEE PACQUIAO

KRISSA MAE

LIAN

LIAN PAZ

PAOLO CONTIS

RAYMART SANTIAGO

XONIA AITANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with