^

PSN Showbiz

Nadiskubre nang magpabawas ng boobs, Claudine nagpatanggal ng cyst sa boobs

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Nagpatanggal pala ng cyst sa boobs si Clau­dine Barretto. Ginawa ang operasyon kahapon sa Belo Medical Clinic.

Mismong si Claudine ang nagkukuwento sa kan­yang Twitter account tungkol sa nasabing ope­rasyon niya.

“Gudmrng pala 2 ol of u! M near belo 2na 4 d surgery ng cyst dra. Eloi buse wil b doing it again coz doc belo s n d states! M scared,” sabi niya maaga-aga pa kahapon.

“Thank god m nw! Woke up mga 40 mins ago soo groggy n sooo hungry! My last meal was dinner pa lst nyt n fastng b4 da surgery,” sabi after ng ilang oras.

“My frends my claudinians thank u 4 ol ur prayers n d recovery room as promisd 2 keep u guys posted!:)”

Dagdag niya, small at benign lang naman daw ang nasabing bukol sa boobs niya at may ilan pang maliliit.

“Yeah small lng n benign nt 2 worry 5 small ones lng parang stone na maliit lng bt grogy pa din twilight anestiscia lng.gud thing

“Lst year i undrwent breast reduction twice n u nid to hav an ultrasound x-rays. Etc.dats wen d doctors n belo saw dem, went 2 for A 2nd opinion n ganun din! Bt d doctors n belo med are doctors n surgeons talaga.went 2 dem instead coz dey took out d cysts,” kuwento pa rin ng aktres. 

 Out patient lang siya sa Belo – nakauwi siya after the operation.

* * *

Ibinalita ni Boss Vic del Rosario na naka­-five shooting days na sina Sarah Geronimo at Judy Ann Santos para sa pelikula nilang Hating Kapatid na ang Viva Films ang pro­ducer.

Wala pang definite playdate ang pelikula pero ayon kay Boss Vic malamang na April or May ito ipalabas.

Marami nang naghihintay sa nasabing pelikula dahil first time na nagsama sina Juday at Sarah.

So far, parehong nagi-enjoy sa shooting ang da­la­wang young superstar. Pareho silang nagpu­purihan.

Si Juday, kinukuwento niya na meron pa pa­lang katulad ni Sarah na panay ang paggamit ng opo at po. Sobrang bait daw nito at sobrang ma­sunurin sa magulang.

Ang say naman si Sarah sa kanyang ate Juday, magaling na artista at very supportive.

Kaya wala raw problema sa shooting nila.

Ka-join din sa movie si Luis Manzano.

Samantala, suportado ni Sarah si Joy Bel­monte, na tumatakbong bise alkalde ng Quezon City. Nagkita na ang dalawa last week.

Naunang sinabi ni Joy na sa mga kabataang artista, paborito niya si Sarah dahil sa pagiging wholesome nito. “She is really a good role model for the youth,” sabi ni Ms. Joy sa kanyang mga interview.

* * *

Speaking Juday, papasok na sa Lunes ang Habang May Buhay na siya ang bida. Matagal din itong natengga pero bumawi naman ang ABS-CBN dahil itinodo na nila at binigyan ng bagong title si Juday na Queen of Teleserye.

Reunion project ito ni Juday at Derek Ramsay at ng kanyang ultimate Mara Clara kontrabida na si Gladys Reyes. Mapapanood din ang bagong lead­ing man niyang si Joem Bascom bilang ka-loveteam ni Juday na siguradong pag nakaka-eksena niya ay naalala niya si Piolo Pascual da­hil super magkamukha ang dalawa.

Join dito sina Gina Alajar, Rio Locsin, Tetchie Agbayani, John Arcilla, at ang hunk actor na si Will Devaughn.

Bibigyang buhay ni Juday ang karakter ni Jane Alcantara, isang sim­pleng babaeng nangarap maging nurse gaya ng kanyang ina na si Rose (Gina Alajar). Ngunit susubukan ng tadhana ang kanyang tatag nang maak­sidente ang kanyang ina na kagagawan ng mga taong pinag­kati­walaan niya, ang kanyang bestfriends na sina Sam (Derek Ramsay) at Nathan (Joem Bascon). Dahil sa hirap at pagdurusa na naranasan, isi­num­pa niya na giginhawa ang kanilang buhay at makakamit ang hustis­yang matagal nang inaasam. Ang kanyang tiyahin na si Cora (Rio Locsin) ang magsisilbing tagapayo at matalik na kaibigan niya na walang ibang ini­sip kundi ang kapakanan ng pamangkin.

Paglipas ng panahon, magiging nurse si Jane at sa pagpasok niya sa mundo ng medisina, dito niya makikilala ang mga taong magbibigay kulay sa kanyang buhay – si David, ang aroganteng taga­pag­mana ng ospital kung saan siya nagtatrabaho, si Raon, ang lalaking taga-kalye na magi­ging tagapagligtas niya at si Nonoy (Will Devaughn), ang kanyang kaba­bata na naging sandigan at protector. Dito niya rin makikilala sina Dr. Ma­­nuel Corpuz (John Arcilla), isang general physician at asawa ni Ellen Corpuz (Tetchie Agbayani) at (Gladys Reyes).

vuukle comment

DEREK RAMSAY

GINA ALAJAR

GLADYS REYES

JOHN ARCILLA

JUDAY

KANYANG

NIYA

SHY

TETCHIE AGBAYANI

WILL DEVAUGHN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with