^

PSN Showbiz

Vina at Shaina parehong duguan ang puso

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Hanggang ngayon, ang dami pa ring nagta­ta­nong sa akin tungkol sa naging break-up nina John Prats at Shaina Magdayao, siguro da­hil alam nilang halos pamilya na ako sa pamilya ni Shaina.

Pero alam n’yo ba na clueless din ako? Nagulat nga ako at nabigla nang mabalitaan ko ito. Naisip ko na lang na siguro, pareho silang naging lubhang busy sa kanilang trabaho at nawalan na sila ng pana­hon sa isa’t isa. Kung sino ang mas may mala­king pagkukulang sa puntong ito ay hindi ko na alam. Baka rin may ibang dahilan sila pero siyem­pre, gusto nilang gawing private ang kanilang pagdaramdam. Hayaan na lang muna natin sila.

* * *

Broken hearted ang magkakapatid na Magda­yao.

Si Vina Morales ay nakipaghiwalay na sa ama ng kanyang anak. Sana lamang yung naging desis­yon niya, nila ni Cedrick Lee, is for the better. Na­ka­liligaya na ring malaman na okay naman sila ni Ce­drick, mabibisita pa rin nito ang kanilang anak at patuloy na susuportahan.

Ang maganda sa paghihiwalay ng dalawa ay naging tahimik ito, walang iskandalong narinig at friends pa rin ang dating magkarelasyon kahit separated na sila.

* * *

Natapos na ang MMFF ’09, maliban na lamang sa ilang pelkula na patuloy pa ring ipinalalabas sa mga sinehan.

Natapos na rin finally ang panlalait kay Manny Pacquiao, matapos mangulelat ang kanyang pelikula sa takilya.

For a while, maski ako ay nanliiit sa mga narinig ko tungkol sa boksingero na ipinagmamalaki ng ating bansa dahil sa kahusayan nito. Kailan lamang ay halos sambahin natin siya pero nang gumawa siya ng pelikula ay parang nakalimutan na natin ang karangalang ibinigay niya sa bansa.

* * *

Masaya yung naging celebration ng 24th anniversary ng That’s Entertainment kahapon sa Walang Tulugan.

Naging emotional na naman ako na makita ang mga kabataang dati ay pinagtitiyagaan ko sa show. Marami sa kanila ang matagumpay sa bago nilang mundo ng negosyo, pamilya, showbiz, stage, at kung anu-ano pa. Ang mahalaga, never na­la­got ang tali na nag-uugnay sa kanila. Magkakaibigan pa rin sila.

Next year, sa 25th anniversary, isang malaki at ispesyal na palabas ang ihahanda ko. At kung magagawa ko, lahat ng graduates ng show, iimbitahan ko. Sana matupad lahat ito. Sana.

vuukle comment

CEDRICK LEE

HANGGANG

JOHN PRATS

NATAPOS

SANA

SHAINA MAGDAYAO

SHY

VINA MORALES

WALANG TULUGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with