^

PSN Showbiz

Makakapareha ni Robin maliligo ng atensiyon

- Veronica R. Samio -

Hindi ko malaman kung dahil lamang sa gustong pataasin pa ang ratings ng Stairway To Heaven ng GMA 7 kung saan magkasama sina Dingdong Dantes at Rhian Ramos, kaya patuloy na sinusubok na bigyan ng love angle ang dalawa na patuloy din namang tinatanggihan ng aktres.

 “Gaya nang sinabi ko nun, we’re partners, hindi kami loveteam ni Dong. Siguro dahil palaging ang role namin ang binibigyan ng concentration kung kaya inaakala ng marami na meron nang nade-develop sa aming dalawa pero, hindi ito totoo. Ayaw ko sa lalaking mayroon nang nagmamay-ari, gulo lamang ito, I’d rather wait for somebody na libre,” paliwanag ni Rhian when confronted with the isyu na sila na ng actor na ipinamamahala ang paglilinaw ng isyu sa kanyang kapareha.

* * *

Panalo ang agimat nina Jolo Revilla at Gerald Anderson sa manonood. Pumalo sa ratings ang back to back adventure ng dalawang kabataang actor sa pagtatapos ng paglalakbay ni Tiagong Akyat (Gerald) at pagsisimula naman ng mga bagong hamon sa buhay ni Pepeng Agimat (Jolo).

Ayon sa survey ng TNS, ang nasabing episode ng Agimat ay nagtala ng 31.6% na rating, ang pinakamataas sa lahat. Hindi naman nagulat si Gerald sa mataas na rating na nakamtan ng kanilang palabas lalo’t naniniwala siya sa lakas ng dating ng kanyang kaibigang si Jolo.

 “Alam ko naman kasi na iba talaga ang hatak ni Jolo. Nagmana ata yan sa Agimat ng dad niyang si Sen. Bong.”

Lubos din ang kagalakan ni Jolo na malaman na patok na patok sa kabataan ang kanyang pagganap bilang si Pepeng Agimat.

 “Siyempre, masaya ako hindi lang dahil sa mataas na rating kung hindi sa magandang kinalabasan ng serye. Masaya rin ako na nagiging magandang ehemplo sa kabataan yung role ko as Pepe. Kung maraming nanood ng aming pilot episode, sana tangkilin pa nila yung mga susunod.”

Hindi lamang sa tunay na buhay mabibigyan ng gabay si Jolo ng kanyang amang si Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. Maging sa bagong serye ng Agimat, sila’y magiging mag-tatay din. Makakasama rin ng batang Revilla si Comedy Concert Queen na si AiAi delas Alas bilang ina niya at si Melissa Ricks bilang love interest niya.

Mapapanood ang Pepeng Agimat tuwing Sabado sa ABS-CBN.

* * *

Si Robin Padilla ngayon ang maituturing na pinaka-most eligible bachelor sa showbiz circle. Ito ay matapos mabatid na two years na pala silang divorced ni Liezl Sicangco at nag-asawa na itong muli at naninirahan na sa Australia kasama ang kanyang bagong asawa at ang mga anak nila ni Binoe.

Kaya naman pala subsob ang ulo ng actor sa trabaho.

Knowing Robin and how easily he falls in love with his leading ladies, suwerte ang susunod niyang makakapareha dahil siguradong maliligo ito sa atensiyon at pagmamahal ng actor. At si Toni Gonzaga yun na alam naman nating lahat na may boyfriend.

vuukle comment

AGIMAT

COMEDY CONCERT QUEEN

DINGDONG DANTES

GERALD ANDERSON

JOLO

JOLO REVILLA

KNOWING ROBIN

LIEZL SICANGCO

PEPENG AGIMAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with