^

PSN Showbiz

Sunshine Dizon walang show sa GMA 7 hanggang 2010

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Isa si Regine Velasquez sa kasama pa rin sa relaunch ng SOP sa November 22 together with Ogie Alcasid, Jaya and Janno Gibbs. Sabi ni Ms. Wilma Galvante : “Hindi revamp, kundi relaunch ang mangyayari. We’re replacing some names with new faces, may pagpapahingain muna. We will have to replace old names with new names. Kung meron ‘di nakakatulong sa show o no added value, ‘di na ilalagay.”

May binanggit na three names na maaalis, pero hayaan nating sa GMA 7 nila unang marinig na mawawala muna sila sa show. Malay natin, ibalik din sila, ‘di ba? 

Samantala, magiging busy si Regine dahil bukod sa SOP, gagawa rin siya ng Christmas Special entitled After the Rain to be directed by Louie Ignacio at sa December 13, ang airing. May March 2010 airing naman ang soap niyang may working title na Diva.

* * *

Tama pala ang narinig naming wala nang manager si Eugene Domingo dahil nabalitaan naming hindi ito nag-renew ng managerial contract sa manager niyang si Ricky Gallardo.

Last week pa raw naghiwalay ng landas ang dalawa at habang wala pang napipiling manager na ipapalit kay Ricky, production assistant muna ang kinuha ni Eugene. Ang P.A. ang tutulong sa kanya sa pagsala sa mga darating na offers at pag-aayos ng kanyang schedule. Hindi pa namin alam ang rason nang paghihiwalay ng landas ng dalawa.

* * *

Sa rami ng naka-line-up na new shows ng GMA 7 for 2010, wala sa cast sa alinmang show si Sunshine Dizon. Paglilinaw ni Ms. Wilma Galvante, hindi terminated ng network ang aktres sa Tinik Sa Dibdib lang ito inalis at pinalitan na ring council sa StarStruck V. Kahit daw maraming angst si Sunshine, hindi maikakailang magaling itong aktres.

Ang Todo-Bigay na morning show ng mag-inang Manny Pacquiao at Mommy Dionisia, next year after elections na matutuloy.

Sa kaso ni Robin Padilla, wala pa itong kasunod na project sa Channel 7 dahil ayon kay Ms. Galvante, “hindi pa sila umuupo para mag-usap.” Ang alam niya, pelikula lang ang gagawin ng actor sa Star Cinema at hindi ito lilipat sa ABS-CBN.

Konting paglilinaw, Sana Ngayong Pasko at hindi Sana Laging Pasko ang title ng ChristmasSerye nila. Hindi rin si Lani Mercado, kundi ang bunso nila ni Sen. Bong Revilla na si Ramboy at dalawa pang bagets ang magpi-pinchhit sa kay Bong na hosts ng Kap’s Amazing Stories Kids Edition.

* * *

Ayaw pa sanang ipaalam ng staff ng Darna ang role ni Katrina Halili, pero binuking na ni Ms. Galvante na ang sexy actress ang gaganap na dalagang Serapina at kapatid ni Valentina at malapit na itong mag-taping.  

vuukle comment

AFTER THE RAIN

AMAZING STORIES KIDS EDITION

ANG P

BONG REVILLA

CHRISTMAS SPECIAL

EUGENE DOMINGO

JANNO GIBBS

KATRINA HALILI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with