^

PSN Showbiz

BIG BROTHER pinagugulo ang buhay ng mag-asawa

- Veronica R. Samio -

Kung sino man sa ABS-CBN ang nakaisip na idagdag si Enchong Dee sa cast ng Katorse at gawing apatan ang unang planong love triangle na binubuo nina Erich Gonzales, EJ Falcon, at Xian Lim is paying off. Hindi lamang tinatanggap ng mga manonood si Enchong bilang bahagi ng serye, unti-unti ay pinapaboran na nila ito bilang kapareha ni Erich. Napansin din nila ang kakaibang rehistro ng dalawa sa screen, meron silang chemistry. Katunayan sa online, Enrich at Enchong ang tawag sa kanilang tambalan.

“Masayang kasama si Erich, maalaga, masarap katrabaho. I’m very thankful na nakatrabaho ko siya. Kahit maraming intriga, nakatutuwang isipin na todo ang mga fans sa kanilang suporta sa amin,’’ sabi ng kabataang aktor na nanalo na naman ng maraming medalya sa UAAP swimming com­petition.

Kasabay ng pagrami ng tagahanga ng bagong tambalan ay ang patuloy na pagtaas ng rating ng Katorse na dumarami naman ang kaganapan dahil nagkakamabutihan na ang mga karakter na ginagampanan nina Erich (Nene) at Enchong (Jojo). At sa malas, hindi sina EJ at Xian ang magbibigay ng problema sa dalawa kundi ang childhood sweetheart ni Jojo na si Bettina.

* * *

Kung inaakala ng mga manonood ng Pinoy Big Brother na hindi na interesting ang reality show sa pagkawala ng dalawang pares ng twins, nagkakamali sila.

Sa pagpasok ng mag-asawang Kathleen at Jimson na parehong galing sa pagtatrabaho sa Espanya, nabigyan na naman si Kuya ng ideya para gumawa ng bagong anggulo para sa ikagaganda ng show. Paghihiwalayin niya ang mag-asawa at pagkukunwaring kasintahan si Kathleen ng bagong pasok din na banker from Baguio na si Patrick na hindi rin naman single at siyam na taon nang kasal.        

vuukle comment

ENCHONG

ENCHONG DEE

ERICH

ERICH GONZALES

JOJO

KATHLEEN

KATORSE

PINOY BIG BROTHER

XIAN LIM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with